Ysabel Ortega, reyna ng Santacruzan 2024 sa Binangonan

Ysabel Ortega.
STAR/ File

Ang Santacruzan, ay isang nakagawiang Filipino tradition, na muling bibida sa mga kalsada ng Libid, Binangonan sa Mayo 5, 2024 sa pamumuno ng Sangguniang Barangay at Sangguniang kabataan ng Libid.

Lalahok dito ang nasa 24 barangays. Ang isa sa mga highlight ay ang pagdalo ng talent ng GMA 7, ang young superstar na si Ysabel Ortega bilang Reyna ng Santacruzan 2024 at gagamitin niya ang gown na likha ni Patricia Bella Sison.

Magdaragdag ng saya at kinang sa okasyon ang mga bonggang float at arko ng mga kasaling mga reyna at consorte.

Isa rin sa magpapasaya ng gabi ay ang mga Munting Reyna.

Ang Libid Santacruzan 2024 ay isang patunay ng patuloy na pagsalin-salin ng tradisyong nakagisnan na noong panahon pa ng ating mga ninuno.

Pagpapakita rin ito ng katatagan ng pananampalataya at pagmamahal ng mga mamamayan ng barangay Libid sa tradisyon.

Ang Libid Santacruzan 2024 ay pinamumunuan nina Kap. Gil “AGA” Anore at SK Carl Antiporda. Ang coordinator ng nabanggit na Santacruzan ay si Ginoong Gomer O. Celestial.a

Show comments