Ang bongga naman nina Maxine Medina at Timmy Llana na sagad ang tuwa sa kanilang gender reveal sa kanilang panganay.
Nagkaroon sila ng gender reveal celebration na kanilang ibinahagi sa social media. Makikita sa video ang smoke fountain na naglalabas ng blue smoke na ibig sabihin ay lalake ang panganay nila. Laking tuwa nila at sinabing answered prayers daw talaga nila ito.
“Ready to welcome our little slice of heaven!” caption ng beauty queen.
Napatalon nga sa tuwa si Maxine na kinakaba ng netizens.
“Excuse my jumping - I just couldn’t help it!” bahagi ng kanyang caption
Maaalalang dalawang beses ikinasal ang mag-asawa nakaraang taon na ginanap sa isang simbahan at sa beach naman ang ikalawa.
Ika-5th month na ng pagbubuntis ng aktres noong March at malapit na nga niyang ilabas ang kanilang dragon baby.
SPEEd, tagumpay ang outreach program
Ang galing naman ng Outreach Program ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) nila Salve. Talagang dumayo pa sila out of town, sa Nueva Ecija para magbigay ng tulong sa simabahan at sa Dingalan, Aurora, para tulungan ang mga Dumagat at binigyan nila talaga ng mga gift pack na pagkain, gamot from Unilab at pampagandang produkto ng Beautederm.
Pati nga sina Bong Revilla at Lani Mercado at marami pang iba tulad nina Faye, Toby, Noel, Wilson, at iba pa, talagang nagbigay tulong dahil alam nila na kahanga-hanga ang project na gagawin ninyo.
Kasama rin nila sila Filipina Magtalas ang galing na may Egg Caldo Caravan. Pero isang bagay rin na dapat isipin magkaroon ng malaking amount ng savings ang SPEEd para sa members na baka magkaroon ng financial problems lalo ngayong panahon.
Dapat din na may maitabi para sa members. Para rin iyang kasabihan na unahin muna ang miyembro ng pamilya bago ang iba.
Bongga ,‘di ba? Kasali na rin si Jun Lalin sa SPEEd. Bongga.