^

PSN Showbiz

Yasmien, gagawa muna ng cake bago mag-gender reveal

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Yasmien, gagawa muna ng cake bago mag-gender reveal
Yasmien Kurdi.
STAR/ File

Two weeks na lang ay due na ni Yasmien Kurdi, kaya pinaghahandaan na niya ang kanyang pagluwal sa second baby nila ni Rey Soldevilla.

Namili na raw si Yasmien ng mga gamit ng baby, kaya inalam na niya ang gender nito. Silang mag-asawa lang daw ang nakaalam at isa sa mga araw na ito ay isu-surprise na raw niya sa kanyang pamilya at mga close friends, at kanilang anak na si Ayesha.

Magbi-bake raw muna siya ng gender-reveal cake at doon na raw niya isu-surprise kung boy o girl ang magiging baby niya, ayon kay Yasmien nung naka-chika ko.

Wala raw gender reveal party, pero gusto niyang i-reveal sa mga lolo at lola. Pero kakarerin pa raw niya ang pag-bake ng cake, dahil proud naman si Yasmien sa napag-aralan niyang Pastry and Baking Arts sa Academy of Pastry ang Culinary Arts of the Philippines.

Super kulit na raw sa kanya ng anak dahil excited na rin ito na maging ate.

“Tinago na rin namin kay Ayesha. So, pinalitan namin ‘yung passcode ng cellphone… kasi may duda ako na bubuksan niya kasi excited po ‘yung bata. Pero pinuslit ‘yung cellphone at nahulaan ‘yung bagong passcode, wais e (laugh emoji),” text niya pa sa akin pero naitago pa rin daw niya sa bagets.

Ilan sa mga taga-showbiz na madalas na nakaka­tsikahan at nakikita ni Yasmien ay sina Dianne Medina at Charee Pineda na mga buntis na rin. Kaya ang saya lang daw nilang nagko-compare notes sa kanilang pagbubuntis.

MMFF, balik sa dating gawi

Balik sa walong entries ang Metro Manila Film Festival.

At mas pinaghandaan na nila ngayon dahil 50th year celebration ito ng taunang film festival.

Ang lungsod ng Maynila ang host city sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Honey Lacuna-Pangan, kasama ang OIC ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) na si Ms. Rica Arevalo.

Mapapaaga ang pagsisimula ng filmfest na bubuksan ng makulay na parada sa Dec. 15 sa iba’t-ibang lugar ng Maynila. Ang awards night ay gaganapin sa Metropolitan Theater na kung saan unang ginanap ang awards night ng MMFF.

Sa June 14 ang deadline ng submission of scripts at doon mamimili ang selection committee ng apat na entries na ia-announce sa July 1.

Ang finished films naman ay sa Sept. 30 ang deadline, at sa Oct. 15 daw ang announcement ng remaining 4 entries.

Sa Dec. 25 magsisimula ang showing sa mga sinehan hanggang Jan. 7, 2025.

Ang iba pang aabangan sa 50th celebration ng MMFF ay ibabalik ang Students Short Film competition. Meron ding Sine Singkuwenta na kung saan maha-highlight ang mga magagandang pelikulang produkto ng MMFF.

Katuwang dito ang FDCP, CEAP (Cinema Exhibitors Association of the Philippines) at ang Mowelfund.

Sa halagang P50 ay mapapanood ito na sana’y karamihan ang mga estudyante, dahil may TalkBack pa ito sa audience kasama ang mga artista at filmmakers.

Meron na ring pinaghahandaang libro sa 50 Colorful Years of the MMFF at sana matuloy ‘yung binabalak na reu­nion ng mga nagwagi sa taunang filmfest na ito.

YASMIEN KURDI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with