Firefly, may storybook version na!

Ayon sa announcement mula sa GMA Public Affairs, mabibili na ang storybook version ng Firefly sa GMA Store, ShopeeMall, at Lazada for only P399.
STAR/File

Mababalikan nang muli ang magical adventure ni Tonton at ang Isla ng mga Alitaptap dahil ang award-winning fantasy film na Firefly ay may libro na!

Ayon sa announcement mula sa GMA Public Affairs, mabibili na ang storybook version ng Firefly sa GMA Store, ShopeeMall, at Lazada for only P399.

Matagal nang inaabangan ang release ng storybook na ito dahil isinulat ito ng renowned kids’ storybook writer na si Augie Rivera at illustrated by highly-acclaimed artist na si Aldy Aguirre. Base ito sa pelikulang Firefly na mula sa akda at screenplay ni GMA Public Affairs Assistant Vice President Angeli Atienza.

Matatandaang umani ng parangal ang pelikulang ito na produced ng GMA Pictures at GMA Public Affairs – kabilang ang Best Picture, Best Screenplay (Anj Atienza), Best Director (Zig Dulay), Best Child Actor (Euwenn Mikael), at Best Supporting Actress (Alessandra de Rossi) awards mula sa first-ever Manila International Film Festival at sa 49th Metro Manila Film Festival.

Sa mga hindi pa nakakapanood o nais panoorin ulit ang adventure ni Tonton ipalalabas din ang Firefly sa streaming platform na Amazon Prime this coming April 30.

Show comments