MANILA, Philippines — Tinawag na "peke" ng Cornerstone Entertainment ang kontrobersyal na tweet na ikinakabit sa kanilang talent na si Moira dela Torre patungkol sa Bangsamoro pop star na si Shaira, na siyang humaharap ngayon sa copyright complaint.
Kumalat kasi ang ilang pekeng screenshots at quote cards kung saan tinawag na "Shaira tempered glass" ng Cornerstone artist ang Mindanao-based singer. Umusbong ito matapos gayahin ng huli ang tono ng "Trouble is a Friend" ni Lenka nang walang pahintulot.
"Screenshots and graphics of a fake quote by Cornerstone artist Moira Dela Torre regarding her stance on the controversial copyright issue between Bangsamoro singer Shaira and Australian Pop singer Lenka have been circulating on social media," sabi ng Cornerstone Entertainment sa isang pahayag nitong Huwebes.
"We at Cornerstone Entertainment ask the public to refrain from sharing the fake quote and to be wary of any post that seeks to misrepresent the singer-songwriter’s true sentiments regarding any issue or topic of public discussion."
Makikita sa Facebook pages gaya ng "Mga Marites Vlog" at "Trending Central" ang pekeng screenshot ng X (dating Twitter) account ni Moira ang mga sumusunod na salita:
FYI guys, si Lenka po ang original na kumanta hindi po si Shaira tempered glass, bakit ang hilig niyo i-tolerate yung mali?! Alam niyo ng mali yun pa yung pinapanigan niyo, kung tayo nga nagagalit na inaangkin ng ibang bansa yung lugar natin, diba so dapat nakaka-relate tayo kay Lenka, pero bakit ang ending si Shaira ang tama at yung original ang mali.
Bagama't maraming Pilipinong Muslim ang nagkakabit ng tempered glass sa cellphone bilang hanap-buhay, ginamit ito sa pagkakataong ito para mangutya o mang-stereotype ng pambansang minorya — dahilan para mabatikos si Moira.
Ibinahagi tuloy ng Cornerstone ang tunay na pahayag ni Moira bilang tugon sa isyu:
We just really need to do what’s right and to credit the people that need to be credited. Madami po kasing hindi din educated sa…sa mga copyright. My advice for people who want to take on…to take on this industry is really just be always willing to listen, always willing to learn.
Reklamong copyright vs 'Selos'
Marso lang nang biglang sumikat online ang awiting "Selos" ni Shaira at umani ng libu-libong views. Dati nang inilagay ng AHS Productions na nag-upload ng video sa YouTube na hango sa kantang "Trouble is a Friend" ni Lenka ang awitin. Nag-trending din ito sa Facebook.
Gayunpaman, tumaas ang kilay nang maraming netizens nang mapansing in-upload ito sa Spotify atbp. music streaming platforms na walang kaukulang pag-credit kay Lenka.
Napilitan tuloy gumawa ng "aksyon" ang kampo nina Lenka tungkol dito, dahilan para boluntaryong i-take down nina Shaira ang awiting "Selos." Humingi naman ng tawad ang AHS Channel sa isyu at nangakong kukukuha ng nararapat na cover license.
Kamakailan lang nang ipagtanggol ni Moira ang Australian singer na si Lenka at sinabing dapat respetuhin ng nagco-cover ang karapatan ng mga orihinal na artists sa likod ng mga kanta.
@news5everywhere Ipinagtanggol ni #MoiradelaTorre ang Australian singer na si #Lenka matapos itong ma-bash na may kaugnayan sa viral song na #Selos. #News5 #FrontlineTonight #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - News5