Dati rati, ang Black Saturday ay major box-office playdate bago pa man nagkaroon ng streaming. Nandyan ang mga pelikulang Can’t Help Falling In Love (KathNiel), Da Possessed (Vhong-Toni), It Takes A Man And A Woman (John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo), Moron 5 And The Crying Lady (Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, Martin Escudero, DJ Durano with John Lapus), Pak Pak Dr. Kwak Kwak (Vic Sotto-Bea Alonzo), You’re My Boss (Coco Martin-Toni Gonzaga).
Pero ngayon, kaawa-awa ang kinahinatnan ng Cristine Reyes-Baron Geisler movie na Dearly Beloved na maganda pa naman daw sana.
Ano kaya ang makakapagpabalik muli sa mga tao sa mga sinehan?
Reunion nina Paolo at Patrick, nasa streaming
Mapapanood mamaya nang live ang lead stars ng Netflix film na A Journey na sina Paolo Contis at Patrick Garcia sa Fast Talk with Boy Abunda at interesanteng malaman ang mga bago sa kanila dahil kasama ng kanilang makulay na buhay ang kanilang kinikilalang galing sa pag-arte?
Magandang tanong: ganoon din ba sila kahusay sa pagiging partner at pagtatatay?
Sana.
Kim at Barbie, kakaiba ang energy
In fairness, nakakaaliw ang vlog collab nina Kim Chiu at Barbie Forteza na ipinakita ang kanilang kakaibang energy at kakikayan!
Sa pamamagitan ng social media, magandang napagsasama ang ganitong talents ng magkaibang istasyon.
Puwede rin kayang mangyari ang ganito sa isang programa sa telebisyon?
Puwede sigurong simulan bilang portion sa It’s Showtime sa GMA, ‘di ba?
Ang saya lang nu’n if ever.
Yasmien, Dianne at Charee, kulang sa class?!
Napag-usapan, napagplanuhan daw ang biyahe ng barkada nina Yasmien Kurdi, Dianne Medina at Charee Pineda para magka-baby.
At lahat daw ay makaka-relate sa kanila na #TeamAircon na pawang manganganak ngayong Year Of The Dragon.
Hindi kaya dapat mahanginan din sila ng kahit na kaunting class? Kahit konti lang.
Nakakata-quote:
“Iba talaga kapag ipinadama sa iyo ang halaga/ value mo sa kumpanya.” – Mel Tiangco on her renewal as a Kapuso talent