^

PSN Showbiz

Sarah, may takot sa mga ginagawa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sarah, may takot sa mga ginagawa
Sarah Geronimo

Aktibo nang muli si Sarah Geronimo sa paggawa ng iba’t ibang proyekto ngayong taon.

Matatandaang pansamantalang nagpahinga ang Popstar Royalty sa pagtatrabaho mula nang magpakasal sila ni Matteo Guidicelli noong 2020. “Grateful, siyempre may mga apprehension noong kababalik ko lang and may mga fear pero sa industriya naman natin as long as you believe in what you do and what you put out there sa mga tao, as long as mahal mo kung ano ‘yung ginagawa mo, there’s nothing to fear,” makahulugang pahayag ni Sarah.

Kahit mahigit dalawang dekada na sa entertainment industry ay nakararamdam pa rin daw ng takot ang singer-actress sa tuwing mayroong gagawing proyekto. “Kapag sinabi yatang Sarah Geronimo, kaakibat na ‘yung apprehensions, parang part po talaga ‘yan ng personality ko. But you know, at the end of the day, there’s a decision na to overcome that apprehension. ‘Yung passion pa rin na huwag i-overthink ‘yung fear, ‘yung hesitation, ‘yung apprehension,” giit niya.

Taong 2019 pa nang huling makagawa ng pelikula si Sarah. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto muling magbida ng aktres at singer sa isang magandang proyekto. “Kung mayroon pong magpu-push through po ‘yung mga plans for the movies, game. Masyado pong marami, hindi pa po namin alam. Magma-materialize talaga kami,” pagtatapos ng Popstar Royalty.

Kaladkaren, ‘di makalimutan ang napanalunang best supporting actress

Unang nakilala si Kaladkaren o Jervi Ryan Lisaba sa tunay na buhay bilang impersonator ni Karen Davila noong 2016.

Malaki ang pasasalamat ng komed­yana dahil talagang namayagpag na ang kanyang karera sa show business mula noon. “When my video got viral eight years ago, that really changed my life. When I was impersonating Ma’am Karen. It was very unexpected, and it opened a lot of doors and opportunities for me. That’s the reason why I’m here. So I’m happy na nangyari ‘yon. I’m so happy that I was able to achieve whatever goals or achievement that I have now,” nakangiting pahayag ni Kaladkaren.

Hinding-hindi raw makalilimutan ni Kaladkaren ang pagkapanalo niya ng Best Supporting Actress para sa pelikulang Here Comes the Groom noong isang taon.

Ang komedyante ang kauna-unahang transgender na nakasungkit ng naturang award sa bansa.

Matatandaang nanalo rin si Iyah Mina bilang Best Actress para sa pelikulang Mamu and A Mother Too noong 2018. Si Iyah naman ang kauna-unahang transgender na nakasungkit ng Best Actress award sa Pilipinas. “It’s the first time that happened in the history of Philippine cinema. Then pati ‘yung pagiging news anchor ko. So, I’m very thankful,” pagtatapos ng komedyana. — Reports from JCC

vuukle comment

SARAH GERONIMO

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with