24 Oras, 20 years nang on air
Naka-20 years na pala ang 24 Oras, ang top-rating flagship newscast ng GMA 7.
Airing weeknights at 6:30 p.m., 24 Oras is anchored by award-winning broadcast journalists Mel Tiangco, Vicky Morales, and Emil Sumangil.
Napapanood din dito sina Iya Villana-Arellano (Chika Minute), Kuya Kim Atienza (#KuyaKimAnoNa), and Martin Javier (Game Changer).
“As 24 Oras celebrates two decades of delivering the news with integrity and dedication, the men and women of GMA Integrated News remain steadfast and true to our mission and calling: ‘Mas malaking misyon, mas malawak na paglilingkod sa bayan!’ In the midst of the changing times, 24 Oras will continue to strive to be the ‘News Authority ng Filipino,’” saad ni Senior Vice President for Integrated News, Regional TV, and Synergy Oliver Victor B. Amoroso.
Upang simulan ang pagdiriwang ng kanilang anniversary, dinala ng 24 Oras ang mga manonood sa isang paglalakbay sa memory lane noong Marso 15, umpisa petsa ng unang broadcast ng programa eksaktong 20 taon na ang nakakaraan.
Bilang isa sa mga pioneer anchor, inalala ni Mel kung gaano ang kaba niya noong nang malamang makakatrabaho niya ang yumaong si Mike Enriquez para sa pinakabagong newscast ng Network noon.
“Naku! Nung nalaman ko na si Mike Enriquez ang magiging ka-partner ko, hala! Kumakabog, kabog, kabog!” pag-alala niya.
Both Mel and Mike were previously at the helm of two separate newscasts back then: Mel for Frontpage: Ulat ni Mel Tiangco and Mike for the late-night newscast Saksi.
The idea to have Mel and Mike lead a new news program came from GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon. “Ako talaga ang nakaisip niyan. Sinuggest ko ‘yun at sa awa ng Panginoon tinanggap naman ng manonood, nagustuhan. That’s one of the reasons why 24 Oras was number 1,” pagbabalik-tanaw ni Atty. Gozon.
At napakalaking hamon umano ang paggawa ng newscast na ito noon.
Ngayon ay hindi na lang basta pagbabalita ang napapanood sa programa. “24 Oras to me is more than just a news program. It’s a commitment—and the past 20 years of showing up for super typhoons, political crises, attacks on press freedom, and even the darkest days of the global pandemic validate that,” shares Vicky.
Emil agrees. “Hindi natatapos sa paghahatid ng balita’t impormasyon ang aking tungkulin. Nais ko po na personal na maghatid ng aksyon at resolusyon sa ilalapit na hinaing at problema ng aking mga kababayan. Hindi para may maipalabas lang, kundi para ipadama sa kanila ang dalisay na adhikain ng ating programa,” he says.
Congrats, 24 Oras.
- Latest