Kasama sa Japan...
Ang bongga naman ng aktres na si Kylie Padilla na namamasyal sa Japan kasama ang kanyang rumored boyfriend.
Tila ine-enjoy ng anak ni Robin Padilla ang kanyang bakasyon kasama ang mystery man.
Ibinahagi ng aktres ang mga litrato niya sa kanyang trip sa Japan at mapapansin din ang litrato ng isang lalaki na laging nakatalikod o ‘di kaya’y kamay o paa lamang ang kita.
Maaalalang pumunta rin siya noong January sa Japan kasama ang tila parehong lalaki na hindi niya nilalantad ang mukha. At sinasabing ito rin ang kasama niya noong pumunta siya ng Thailand nung nakaraang taon.
Mukhang hindi pa nga siguro handa ang aktres na ipangalandakan ang kanyang bagong karelasyon na sinasabing tattoo artist.
‘Nagbukas sa katotohanan ng buhay’
Another Holy Week na naman ang natapos.
Very significant ang Mahal na Araw sa taong ito dahil talagang maraming bagay ang nangyari na talagang naging unforgettable sa ating lahat. Mga bagay na talagang nagbukas ng mga mata natin sa katotohanan ng buhay.
Kasi nga kung minsan parang hindi lang natin pinapansin ang mga nangyayari, parang lahat normal lang. Talagang part lang ng mga bagay. But now binibigyang importansiya na nating lahat kahit pa nga sabihin na akala natin shallow lang.
Ngayon natin nalaman hindi sa tagal ang nagagawang impact ng isang bagay sa buhay natin. At hindi rin dahil sa ibinibigay sa atin nasusukat ang importansiya ng isang tao. Ang mga bagay na igi-give up mo dahil hindi mo na kaya physically. Mga dati ini-enjoy mo pero ngayon hindi mo na puwedeng gawin.
At sabi nga, kapag isinara mo ang isang bagay, tiyak na may isang magbubukas.Kaya mawala man ang ilang bagay, tiyak naman meron pa ring papalit. Kung anuman ang mawala huwag manghinayang dahil tiyak na may magiging kapalit ito.
Saka ‘yung contentment sa life huwag nating alisin, maging kuntento tayo sa mga bagay na meron tayo, huwag maghangad sa wala. Kung ano nandiyan, iyon ang gamitin, never nating hangarin ‘yung wala.
Huwag kang magpa-intimidate sa mga tao na hindi importante sa buhay mo. Maapektuhan ka lang sa mga tao na close sa iyo.
Life is a constant journey kaya dapat maging maayos ang takbo nito para sa iyo. Kung sakaling along the way maging bumpy, have the courage to get up and continue. Bongga.