Ni-repost ng fashion icon na si Heart Evangelista ang kanyang old post kung saan pinapakita ang litrato ng isang libro na may titulong Don’t Give The Enemy A Seat At Your Table.
Nirekomenda ito ng misis ni Sen. Chiz Escudero na kanya raw paboritong libro.
Pero sa iba raw na hindi nakakaalam ay para ito sa Christians.
Nagbahagi rin siya ng kanyang mga paboritong quote sa libro kagaya ng “Don’t give the Enemy a seat. Don’t entertain his ideas. These thoughts are not from a good and trustworthy Shepherd. Move on.”
Maaalalang marami ang naintriga nang una niya itong ipinost na tila may kaaway itong pinaparinggan.
Pero ngayong Semana Santa ay paalala niya “Intimacy with God is the way to true fulfillment. How do you keep Enemy from sitting at your table? You keep your eyes on Christ.”
Abala ang Kapuso actress sa pag-attend sa fashion weeks at kamakailan ay nakuha niya ang ika-3rd spot sa Milan Fashion Week na may $3.6 million media impact value.
Pero sa totoo lang, sa life natin may mga bagay na nangyayari na hindi natin ganap na ma-comprehend. May mga tao na short time lang natin nakilala pero grabe naging impact sa life natin.
May mga pangyayari na akala natin shallow lang pero grabe pala ang epekto. Kaya tuloy lalo pa akong naging maingat sa aking circle of friends. Sobra kasing sad ‘pag merong nawala, nakasamaan ng loob among your friends.
Hindi ko rin puwedeng gawing batayan ‘yung pagiging generous ng isang friend para maging importante siya sa akin. Dahil sa trabaho natin marami naman ang talagang mapagbigay. Hindi rin puwedeng batayan ‘yung lagi kayong magkasama or magkausap. Dahil kahit nga bihira kayong magkita kung ang emotional attachment ninyo matibay, mas maganda iyon.
Kaya naman dapat talagang i-treasure mo ang mga tao na precious sa iyo. ‘Yung mga tested at talagang subok mo na. Ewan ko ba but I always think part ng pagiging lucky ko to have meet good and great people sa showbiz.
Sabi nga nila dapat matibay at matatag ang stepping stone mo pag-akyat para hindi ka mahulog. Sure ako iyon ang nangyari sa akin. With all my kagagahan, ang tagal ko pa rin at hanggang ngayon masasabi ko na relevant pa rin ako sa showbiz na buong buhay ko dito na ako nag-stay.
Kaya hanggang ngayon, grateful ako sa magagandang bagay na nangyayari sa buhay ko. Life is short but let us make it worthwhile. Live happily para bongga.