^

PSN Showbiz

Totoy Bagsik, retaso ng tela ang ginagamit na boxing gloves

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Totoy Bagsik, retaso ng tela ang ginagamit na boxing gloves
Hindi maitatangging masidhi ang pagmamahal ng mga Pilipino sa boxing, sa atin nga nagmula ang ilang pinakamagagaling na boksingero sa mundo tulad ni Manny Pacquiao.
STAR/File

Ngayong Linggo (March 31), samahan si Atom Araullo na kilalanin ang mga kababayan nating may matayog na pangarap sa mundo ng boxing sa dokumentaryong Totoy Bagsik ng The Atom Araullo Specials.

Hindi maitatangging masidhi ang pagmamahal ng mga Pilipino sa boxing, sa atin nga nagmula ang ilang pinakamagagaling na boksingero sa mundo tulad ni Manny Pacquiao.

Sa probinsiya ng Masbate, hindi lang mga matatanda ang sumusubok gumawa ng pangalan sa ganitong sports, maging ang ilang bata.

Pagkatapos ng klase, diretsong uwi sa bahay ang siyam na taong gulang na si Nilo.

Hindi paglalaro ang inaatupag niya kundi ang pag-eensayo ng boksing. Walang boxing gloves si Nilo, mga retaso ng tela lang ang binabalot niya sa kanyang mga kamay at ang kanyang nagsisilbing punching bag, mga puno ng saging kalapit ng kanilang bahay.

Pursigido ang kanyang pag-eensayo dahil nakatakda siyang sumabak sa isang exhibition match sa kanilang lugar.

Puspusan ang training ni Nilo. May nais daw kasi siyang gawin sa premyo kung sakaling manalo siya sa sasalihang palaro sa kanilang probinsiya.

Abangan ang dokumentaryong Totoy Bagsik ngayong Linggo (March 31) sa 2024 NYF TV & Film Awards finalist na The Atom Araullo Specials, 3 p.m., pagkatapos ng Recipes of Love.

BOXING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with