Luke Conde at Rain Matienzo, bida sa Tugon ng CBN
Muling mapapanood sa CBN Asia ang pinakaaabangang Holy Week special, Tanikala presents Tugon, ngayong Biyernes Santo, Marso 29, sa ganap na 5:30 p.m. sa GMA.
Starring Luke Conde and Rain Matienzo, tatalakayin ng Tugon ang kwento ng totoong buhay ng isang mag-asawa, sina Nolo at Jasmine Lopez, na nagkakilala online at nakahanap ng pag-ibig sa panahon ng pandemya ng COVID-19.
Gumaganap si Luke bilang Nolo, isang binata na inabuso noong bata pa at nagpupumilit na ipagkasundo ang kanyang pananampalataya sa Diyos.
Bilang isang lalaking may malalaking pangarap tulad ni Nolo, sinabi ni Luke na nadama niya ang malalim na koneksyon sa kanyang tungkulin when his career was put to a halt during the pandemic.
“I wanted my career as an actor to continue. I had work with my previous network but because of the pandemic, I somehow lost my chance to continue that dream,” Luke recalled.
He continued, “Actually, when we were shooting this special, that feeling I had during the pandemic came back to me. It was like a rewind of what I experienced during that time,” sabi pa niya.
Samantala, binibigyang-buhay ni Rain ang karakter ni Jasmine, na pinagmumultuhan ng kanyang mga nakaraang trauma at ang mga pressure sa pagiging breadwinner.
Sa kabila ng magkaibang personalidad, nakikita ng aktres ang kanyang sarili kay Jasmine, na pinahahalagahan ang kanilang pinagsamang katapangan sa pagharap sa mga hamon ng buhay.
“I can relate to her fighting spirit. I am a fighter in my own way, but with Jasmine, you see it in her steadfastness. I am inspired by how she does it,” Rain shared.
Tugon is directed by Timmy Yee and written by Seth Blanco and Shekinah Gram.
- Latest