Richard, naghanda ng bonggang party para sa anak nila ni Sarah

Richard at Pamilya
STAR/ File

Isang bonggang party ang inihanda ng pamilya Gutierrez para sa 6th birthday ng youngest son ni Richard Gutierrez na si Kai.

Nauna na itong nag-celebrate kasama naman si Sarah Lahbati na sinabing “i’m so lucky to be your mom, kai. your smile is the most contagious blessing in the world. no words can express how much i love you and zion. six years… of joy. happy birthday, bubba. momma will forever and always be by your side.”

Usapan ngang walang-wala na raw pag-asang magkaayos sina Richard at Sarah.

Nag-post naman si Ruffa ng Reel sa mga naganap sa nasabing birthday ni Kai : “Happy Birthday Kai! Thanks, Gutierrez fam, for a fun, interactive Minecraft party! Hope Kai and friends had a blast. Shoutout too to our awesome suppliers for the teamwork!”

Former beauty queen, grabeng maningil ng talent fee!

Milyones pala ang singil ng former beauty queen sa hosting job.

Naloka raw ang isang talent coordinator sa presyo ng dating beauty queen / actress.

Ganun na raw ba siya kamahal? Hosting ng dalawang oras, milyones na kaagad?

No wonder daw na kokonti na ang raket nito dahil sa sobrang mahal ng TF.

Show comments