MMFF movie nina Vice at Bong, uumpisahan na

Bong Revilla
STAR/ File

Nagsisimula na ngayong mag-shoot ang ilang producers para sa 50th Metro Manila Film Festival sa December.

Ewan ko lang kung para sa MMFF ang ginagawang pelikula nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na isang rom-com.

Si Sen. Bong Revilla ay binubuo na rin ang casting ng part 4 ng Alyas Pogi.

Ang isa pang narinig namin ay ang collaboration nina Vice Ganda at direk Jun Lana sa IdeaFirst Company.

Sa nakaraang press preview ng pelikulang Your Mother’s Son, inamin ni direk Perci Intalan na inaayos na nila, matutuloy na itong collaboration nila kay Vice Ganda na matagal na raw nakaplano.

Pero ayaw raw nilang magpa-pressure na dapat ay umabot ito sa MMFF.

“Basta let’s finish the finish, let’s do it well. ‘Di ba? Kung aabot sa deadline, umabot sa deadline, kung gusto talaga nating career-in ang deadline.

“But first and foremost, gawin natin siyang maganda, ‘di ba? Kasi, sabi ko nga, kailan pa ba tayo ulit makakatrabaho ni Vice?

“At saka ‘di ba, at the same time, maganda rin kasi si Vice naman to see the team, na makatrabaho si Jun,” saad ni direk Perci.

Ilang beses na rin daw itong pinag-usapan nina direk Jun at Vice Ganda, at ngayon lang nila na-finalize.

“Si Jun kasi, I don’t think na gagawa si Jun ng hindi magmamarka ang style niya.

“May way of storytelling si Jun. Na ‘pag pinilit mo siyang ibahin ‘yun, alam ko na ‘yan, aatrasan na lang niya ‘yung project — ‘pag feeling niya, hindi na niya marka.

“Ang point lang niya, kung magagawa ng ibang tao, gawin na lang ng ibang tao. So, sana… kasi I think it would be good, na siyempre, nagkakatrabaho kayo, e. Dapat pareho kayong may ambag,” sabi pa ni direk.

Ang pelikulang Your Mother’s Son ay opening film sa kanilang ENLIGHTEN: The IdeaFirst Film Festival na magsisimula sa April 12 hanggang 14.

Bahagi ito ng 10th year anniversary ng kanilang kumpanya na nakapag-produce na ng 35 films.

Ipalalabas ito sa Gateway Cineplex.

Nasilip nga namin ang ticket sales ng Your Mother’s Son, halos sold-out na ang tickets.

Anyway, Si Kokoy de Santos ang bida sa pelikulang Your Mother’s Son.

Kasama niya rito sina Sue Prado, Ellora Espano at Miggy Jimenez at magagaling silang lahat.

At napaka-daring nila sa pelikulang ito na na-X sa unang review ng MTRCB. Pero nabigyan na rin ng R-18 sa pangalawang review.

Proud si Kokoy sa kanyang ginawa at sabi nga niya sa amin, iimbitahin daw niya ang Tahanang Pinakamasaya ­family niya sa gala night nito sa April 12.

Sabi ni Kokoy, masaya siya na nabuo nila ang isang pamilya sa Tahanang Pinakamasaya.

At tuloy pa rin daw ang kanilang komunikasyon at nagkikita pa rin daw sila.

“Actually nung nag-birthday si Kuya Pao nagkita-kita kami,” saad ni Kokoy.

Aminado siyang nalungkot silang lahat, pero kailangan daw nilang tanggapin na ganun talaga sa kanilang trabaho.

“Ang masasabi ko lang, life goes on. Ganun lang talaga. May mga bagay na nag-e-end, pero may mga pintong magbubukas for sure.”

Kung mabibigyan daw siya ng pagkakataong makapag-guest sa It’s Showtime para mag-promote, bakit hindi?

Hiningan na rin namin siya ng reaksyon sa pagpalit ng It’s Showtime sa noontime show nila sa GMA 7.

“Ang nasa isip ko history siya. Parang never naman makaisip na ang Showtime ang papalit sa GMA. Happy ako para sa mga ano rin na mas mara­ming makakapanood ng Showtime kasi nasa GMA na siya ngayon,” tipid na pahayag pa ni Kokoy.

Show comments