^

PSN Showbiz

Boses ni Jillian, napansin sa Mobile Legends!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Boses ni Jillian, napansin sa Mobile Legends!
Jillian Ward.
STAR/ File

Bida si Jillian Ward sa music video ng Mobile Legends: Bang Bang. Siya rin ang kumanta ng Tara Laro para sa nasabing hit mobile game para sa PH All Star 2024. Kasama niya sa music video ang internet stars na sina Sean Pangilinan at Prince Adrian Dagdag.

Nagandahan sa kanta at sa boses ni Jillian ang mga nakapanood na ng video at nagtataka sila kung bakit hanggang ngayon, hindi pa siya kinukuhang recording star ng GMA Music. Baka raw ang mangyari, ibang recording company pa ang kumuha sa bida ng Abot-Kamay na Pangarap.

May nagtatanong din pala kung ano ang nangyari sa planong movie ni Sen. Bong Revilla na sila ni Jillian ang bida. May naisip na ngang title si Bong at bagay nga sa kanila ang Isusumbong Kita sa Tatay Ko.

Ang akala pa nga, makakasama nila sa movie si Sharon Cuneta dahil nakipag-meeting si Bong kay Mega.

Carla, nagka-award sa pakikipaglaban para sa mga hayop

Ang pagiging dedicated ni Carla Abellana sa naaabusong animals at mga tumutulong sa kanila ang natanggap na award as one of Cosmopolitan’s Women of Influence bilang Compassion Champion.

Sa kanyang post, sabi ni Carla, “For all the voiceless animals and most especially to all women animal welfare advocates, this one’s for you.”

Sa interview sa 24 Oras, nabanggit ni Carla na nanibago siya sa natanggap na recognition dahil hindi sa pagiging artista niya, kundi para sa kanyang advocacy.

May mahaba nga siyang post sa nangyari kay Killua, kay Erica na sinaksak ng isang Koreano at marami pang nauna sa kanila na mga inabuso at hindi pa nabibigyan ng hustisya.

Hiningian din ng reaction si Carla sa nabanggit ni Tom Rodriguez na may dine-date na siya.

As for Carla, in an earlier interview, nabanggit nitong may mga nagpaparamdam sa kanya, pero wala pa raw siyang time for love. Magpu-focus muna siya sa kanyang career lalo’t magkakasunod na project ang ibinigay ng GMA sa kanya.

Masaya na rin nitong ibinalita na tuluy-tuloy ang taping nila ng Wi­dows’ War ni director Zig Dulay.

Makakasama niya rito sina Bea Alonzo at Jean Garcia.

Bimby, hindi na priority ang career

Nabago ang plano nina Kris Aquino at Bimby Aquino tungkol sa pag-uwi sana sa Pilipinas ni Bimby para magtrabaho para makatulong sa medical bills ng ina.

Ayon kay Vice Governor Mark Leviste, hindi na muna uuwi ng bansa si Bimby dahil mas gusto nitong alagaan ang mom niya.

Nauna nang bumalik ng bansa si Josh.

Nabanggit pa ni Mark na may brands na sanang i-e-endorse si Bimby pagbalik niya ng bansa, hindi na nga lang matutuloy pa.

vuukle comment

JILLIAN WARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with