Umarte-arte sa amoy asim na hininga... Ex-PBB Mayora Niña, binalikang amoy lupa ang kasama

Niña
STAR/ File

“Poca, can you change the mic, there’s bad breath here, it’s amoy maasim. I don’t want to have halitosis,” ‘yan ang taklesang nasambit ni Niña Jose-Quiambao, ex-PBB housemate na ngayo’y mayora na ng Bayambang, Pangasinan.

Tama ba ang comment: “she should be taught a thing or two about being tactless in front of your constituents?”

Hindi raw cute ang pagpapa-cute mo, Mayora.

At heto tuloy ang isang matalim na comment: “Nilamon na ng sistema si Niña, sorry na raw hindi niya alam na amoy lupa ang kasama niya, pati sa kama.”

Ouchhh, ganun ba ‘yun, mas masakit ang balik?

‘Yan kasi, mag-iingat na lang kasi sa mga pinagsasabi.

Ibang Kapuso, sinagot ang emote sa Showtime

Mukhang minarapat na lang na manahimik ng ilang mga Kapuso instead na makipagplastikan sa social media na pagwe-welcome sa It’s Showtime.

Ang tanong nila: “hindi ba nagtitiwala ang management sa amin na makakagawa kami ng magandang programa tulad ng It’s Showtime? Hindi na lang ba nila naisip na i-promote na lang ang mga homegrown artists kaysa kumuha pa ng dayo?”

Ang sagot ay isang tanong din: “maganda ba ang All-Out Sundays at TikToClock?”

MMFF movies, siksikan sa Netflix!

Parang magsisiksikan sa Netflix release ang mga pelikulang lumabas sa Metro Manila Film Festival sa pangunguna na ng March 25 – Rewind, April 4 – Becky & Badette , April 9 – GomBurZa, April 18 – Kampon, June 1 – Family of Two, June 7 – Penduko, June 21 – Mallari.

Kailan kaya ang When I Met You In Tokyo, Broken Hearts Trip at ‘yung Firefly ay nakapangako pa rin sa Amazon Prime ba?

Ngayong alam na ng publiko na after three months ay mapapanood na sa Netflix ang mga Metro Manila Film Festival entries, sana ok pa rin sa kanila na panoorin pa rin ang mga ito sa sinehan.

Kaya gawing movie event talaga at espesyal!

Tom, nag-rate bilang Bryan

Nag-rate at naging interesante ang kuwento at episode ng Magpakailanman na A Mother To Remember sa buhay ni Bryan Benedict at ang kanyang ina na tinampukan nina Tom Rodriguez at ni Elizabeth Oropesa.

Pero bakit hindi na Sparkle talent si Bryan Benedict? Anyare?

‘Di ba homegrown talent siya ng Siete?

Show comments