'Meron tayong free will': Horoscope celeb Zenaida Seva pumanaw na

Litrato ni Zenaida Seva
Video grab mula sa YouTube channel ng ABS-CBN News

MANILA, Philippines — Pumanaw na ang dating Kapamilya celebrity astrologer na si Zenaida Seva, pagkukumpirma ng writer at kaibigan niyang si Jessica Zafra ngayong Huwebes.

"I just got a text from Zenaida Seva's phone informingme that she has died," wika ni Zafra sa isang Instagram story kanina.

"If you have the time: Wake and viewing of the urn will be in Chapel C, the Mortuary Chapels, Christ The King Parish Greenmeadows, Greenmeadows Ave, Quezon City."

Tinutukan ng maraming Pilipino ang kanyang mga horoscope kada umaga, lalo na sa "Umagang Kay Ganda." Taun-taon din siyang lumalabas sa "TV Patrol" para ibigy ang kanyang forecast.

Nakilala ang nabanggit na personalidad sa mga katagang:

Hindi hawak ng bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Mayroon tayong free will; gamitin natin ito.

Hindi pa malinaw kung ano ang ikinamatay ng tanyag na astrologer sa ngayon.

"Zenaida was my wise friend and movie buddy in the 90s and early 00s. We would watch the last full show then have a meal to discuss it," pag-alala sa kanya ni Zafra.

"She was a true eccentric and she never apologized for it. I am on the fence about astrology, but let me tell you: Zenaida was always right. She taught me that everything was connected."

Dagdag pa ng writer, nahulaan ni Zenaida na nagkaroon siya noon ng skull fracture matapos mahulog noong siya'y 8-anyos pa lang.

Magsisimulaa ang burol ni Seva tanghali ng Biyernes, ika-22 ng Marso, at magtatapos ng 10:30 p.m. ng Linggo sa ika-24.

Show comments