Muling nagsama-sama at napanood ng viewers ang isang fairytale celebration ng mga hit Star Magic Gen Z stars pati na ang iba pang bagong bituin nito sa Star Magical 2024 nitong Marso 14 na ginanap sa Bellevue Hotel.
Ilan nga sa mga nag-trending na rumampa sa Ivory carpet sina KD Estrada at Alexa Ilacad na nagbihis bilang Prince Eric at Ariel, sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa kanilang Beauty and the Beast outfit, Seth Fedelin at Francine Diaz bilang Cinderella at Prince Charming, si Xyriel Manabat na nagsuot ng isang sparkly gown, at sina Criza Taa at Harvey Bautista sa kanilang interpretasyon ng prince at princess costume.
Bukod naman sa kaabang-abang na pagrampa ng mga artista sa Ivory carpet, tinutukan din ng manonood ang launch ng Star Magical Prom 2024 OST kabilang ang Walang Hanggan nina KD at Alexa, Tunay nina Francine at Seth, at Believing in Magic nina Alexa, Belle, at Francine.
Ipinakilala din ng Star Magic ang bagong set nila ng Rookes na sina Victoria Vega, Nicole San Juan, Bryce Andres, at Eliza Borromeo at New Artists na sina Yce Navarro, Emilio Daez, at Miggy Jimenez.
Tulad ng nakaraang taon, nagbigay rin sila ng Royalty awards, Promposal awards, at iba pa.
Nasungkit nina Francine and Seth ang Most Viewed Promposal award, habang sina KD at Alexa ang nakakuha ng Best Promposal award.
Sina Raiko Mateo at Tricia Gomez ang nanalo bilang Charming Prince at Princess, at sina Harvey Bautista at Dalia ang napiling Noble Prince at Princess. Nakuha nina Matthew Cruz at Anji Salvacion ang titulo bilang Royal Prince at Princess.
Samantala, nagpasilip na ang Star Magic ng kanilang susunod na event na Star Magic’s Hot Summer 2024 kung saan dadalhin nito ang viewers sa beach.