Karen, nili-label na lider ng mga marites

Karen Davila

Kahit parang nalaos na ang mga ‘Marites’ nili-label naman ngayon si Karen Davila na parang lider daw nito.

Ang dami raw kasi nitong nakaka-friendship over lately dahil sa pagiging machika na minsan ay kahit mga off-the-record na usapan ay lumalabas lalo na diumano pag tipsy na ito.

Aside from Kuya Kim Atienza and his wife, may mga binanggit pang mga pangalan ang source na kasira na rin daw nito.

Naalala naman ng isa pang isang source na meron daw isang mag-jowang gusto munang i-secret ang relasyon at alam daw ito ni Ms. Karen. Pero inilabas daw nito sa kanyang social media account ang tungkol dito kaya nalaman kung saan nakatira ang magjowa na gusto pa noong ilihim ang relasyon.

Show comments