Simula ngayong araw ay mapapanood na sa Viu ang What’s Wrong with Secretary Kim na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino. Ayon kay Kim ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang naturang Philippine adaptation ng hit Korean series. “Habang ginagawa namin itong adaptation na ito, parang it doesn’t feel like work. Tapos when we see the outcome or the finished product, hindi naman lahat pero ‘yung mga clips na napanood namin sa tulong ng mga directors namin and creatives, parang nakaka-proud at ang saya na nagawa ng mga Pinoy ‘yung ganitong klase na pwede tayo makipagsabayan sa Korea. So parang nakaka-proud and we’re very happy for the outcome ng palabas na ito and of course we’re very excited and very happy. Kinakabahan of course, hindi naman mawawala ‘yon pero we’re very excited and confident that this will be a very good What’s Wrong with Secretary Kim adaptation,” nakangiting pahayag ni Kim.
Aminado ang aktres na nakaramdam ng pressure nang gawin ang bagong proyekto. Sobrang pumatok ang orihinal na serye nang una itong mapanood noong 2018 sa South Korea. “Sobrang ninerbiyos ako kasi parang ang taas ng expectations sa akin ng mga tao when it comes to rom-com. Pero to be honest, when we started taping this series, hindi talaga ako 100% fully happy or fully myself. Kaya thanful ako kay direk Chad (Vidanes) dahil tinulungan niya ako, si Paulo and everyone else to be myself. Humingi talaga ako ng tulong kasi hindi talaga siya madali when we started doing this project. But I tried my best, okay naman,” paglalahad ng dalaga.
Sa loob ng halos dalawang dekada ay marami nang pinagbidahang pelikula at teleserye si Kim. Sinikap daw ng aktres na ibang atake ang gawin sa bagong serye. “Kasi sa dami ng mga ginawa, baka hindi mo na mapaghiwa-hiwalay and magiging pare-pareho. Buti na lang with the guidance of direk Chad eh nababawasan niya ‘yung Kim Chiu to Secretary Kim, so nahihiwalay naman. Excited ako na mapanood ito ng mga tao,” pagtatapos ng aktres.
Mathon, kinikilig sa sariling tambalan
Isang bagong proyekto na ang pinaghahandaang gawin nina Maris Racal at Anthony Jennings. Sumikat ang tambalan ng dalawa dahil sa nakakakilig nilang mga eksena sa Can’t Buy Me Love. “Basta mag-a-acting, pero wala pa kaming masasabi talaga, very sorry kami. But it’s something very, very exciting and malapit na rin ‘yon mag-start,” bungad ni Maris.
Malaki ang pasasalamat ng aktres sa mga tagahangang patuloy na tumatangkilik sa tambalan nila ni Anthony. Nakilala ang tambalang SnoRene na mga karakter ng dalawa sa serye na sina Snoop at Irene. Ngayong malapit nang magtapos ang serye ay magpapatuloy na sa paggawa ng ibang proyekto ang tambalang MaThon. “Natutuwa kami sa mga reactions nila sa mga eksena namin, kinikilig sila, kinikilig rin kami, nagagalit sila, nagagalit din kami,” pagbabahagi ng dalaga. (Reports from JCC)