As of this writing, 60-40 na diumano ang decision ni Korina Sanchez na kumandidatong senador sa mid-term elections next year.
Yup, mas lamang na raw na kakandidato ang misis ni former senator Mar Roxas.
Well, kung sa ibang pulitiko rin lang naman, mas qualified si Madam Koring.
Tiyak na magiging mahusay siyang senador.
Anyway, mukhang magiging showbizzy nga ang election next year dahil kabilang din sa sinasabing tatakbong senador sina Isko Moreno and Phillip Salvador.
Nasa senado na sina Bong Revilla, Robin Padilla, Lito Lapid and Jinggoy Estrada.
Actress, P15-m ang talent fee sa mga endorsement
Tumataginting na P15 million pala ang talent fee ng actress sa kanyang mga endorsement.
Yes ganun daw kalaki ang kinikita nito sa mga endorsement kaya naman pala bongga rin ang lifestyle niya.
Parang walang below P100,000 sa mga sinusuot niya.
Bongga rin ang mga alahas, bag, shoes, etc. etc.
Kasi sa isang endorsement pa lang, ganun na kalaki ang datung niya.
At least hindi lang siya basta X-deal sa mga endorsement.
At hindi niya rin kailangang mag-vlog para kumita.