Kuya Kim at misis, nasaktan sa ginawa ni Karen Davila!

End of friendship

Sa umpukan ng nga Kapamilya reporters pinag-uusapang, “ang daldal pala ni Karen Davila” -  to the point na - alam kaya niya na umiikot sa mga katrabaho niya ang mga pinagsasabi ni Karen tungkol kay Kuya Kim Atienza at ang asawa nitong si Feli?

Ang sabi pa, “Hindi ba mag-best friends pa naman ito at magkakasamang pang magbakasyon ‘di ba?”

Pero hindi na raw ngayon. Totoo kayang nag-iingat na rin ang mga kakilala at katrabaho ni Karen sa kanya, dahil kung nagagawa niya ito sa mga pinakamalalapit na kaibigan niya, baka rin puwede raw niya itong gawin kahit kanino?

Pag-ere ng Showtime sa GMA, maraming natutuwa at kontra

Marami ang natutuwa sa balita na lilipat na sa noontime slot ng GMA7 ang  It’s Showtime!

Maraming karagdagang tanong dyan: ano kayang paghahanda ang gagawin ng Eat Bulaga?

Paano na ang mga talent ng GMA7?

I’m sure mas mapapasikat pa sina Vice Ganda at Anne Curtis, Kim Chiu at Vhong Navarro.

If ever, guest or pang support lang talaga ang Siete...unlike kung sila mismo ang producer ng show, di ba?

Sa totoo lang, these are exciting  times sa noontime TV.

Dingdong at Alden, aktibo sa Mowelfund

Ang ganda lang makita ng mga bagong henerasyon ng mga aktor na sina Dingdong Dantes at Alden Richards sa kick off ceremony ng 50th Anniversary ng MOWELFUND na siyang tumutulong sa kapakanan ng mga entertainment industry workers.

Sinu-sino pa kaya sa mga batang artista ang tutulong sa kanila?

Sana may Kapamilya rin at Kapatid na hindi lang pansariling career ang iisipin kundi ang pangangailangan ng mga katrabaho nila.

Teka, sana mga bata na rin ang mangangasiwa sa iba pang agencies like the FDCP (Film Development Council of the Philippines) at FAP (Film Academy of the Philippines), ‘di ba?

Sino na nga ba?

Jasmine gawa lang nang gawa ng pelikula, walang pakialam sa kikitain

Nakadalawang pelikula na pala na showing si Jasmine Curtis-Smith ngayong March pero waley kita at ingay.

Bakit???

Nag-open noong Marso 6 sa local cinemas ang pelikulang A Glimpse Of Forever kung saan bida si Jasmine Curtis-Smith with Jerome Ponce at Diego Loyzaga. Tapos a week after, March 13, nagbukas naman sa mga sinehan ang isa pang pelikula ni Jasmine, ang 3 Days 2 Nights in Poblacion kung saan co-stars niya sina Barbie Imperial at JM de Guzman.

Gawa lang nang gawa ba si Jasmine at kebs na lang niya kung kumita ang mga pelikula niya?

Reunion nina Patrick, Kaye at Paolo, ‘di na ipalalabas sa sinehan

Kaya ba instead of showing films sa sinehan, option na talaga ang mag-straight to streaming katulad ng comeback film ni Patrick Garcia with Kaye Abad and Paolo Contis na A Journey?

Showing na ito sa April 12 sa Netflix Worldwide at grabe ang premium nito to the point na nagli-line up na ang producer ng mga susunod na pelikula after this.

Meaning, kung maayos naman ang pelikula ay kailangan lang talagang hanapan ito ng platform na pagpapalabasan na pupuntahan ng audience.

So back to streaming na ba talaga tayo? At tsambahan na lang at during the MMFF ang back to the cinemas?

Nakakata-quote :

“Kung tumagal-tagal pa, puwede talaga kaming magkaroon ng Ginoong BJMP pageant sa kulungan, pero lumaya na kami.” - Direk Jade Castro

Show comments