Pia, tinodo ang kilig sa mga k-pop idol!

Nilubus-lubos na ni Pia Wurtzbach ang pagpapa-picture sa K-pop idols na kagaya niya, invited sa Bulgari event sa Seoul, South Korea. May photos si Pia kasama si Lisa ng BlackPink, Mingyu ng Seventeen, at Ni-ki at Jungwon ng Enhypen. May photo rin si Pia kasama sa Nadine Lustre na invited din sa event.

Sabi ni Pia, “What. A. Night. Came out to play with @Bulgari to celebrate #BulgariStudio, got to meet some amazing people, and reconnected with some old friends too.”

Patuloy pa ni Pia, “Trying to keep my cool pero kilig na kilig din ako (but it’s giving me butterflies too)!”

Natuwa rin kay Pia ang fans niya dahil nakapagpa-picture siya sa mga sikat na K-pop idols. Sa Paris Fashion Week kasi, hanggang tingin lang siya sa isang member ng isang K-pop group. Hindi siya nakalapit sa rami nang nakapaligid sa nasabing K-pop idol.

Okay lang siguro kay Pia na marami ang nag-comment sa post niya dahil kay Lisa. Ang iba nga, hindi na nag-comment at pinusuan na lang si Lisa at si Mingyu.

Biniro uli si Pia ng fans na may pila kay Mingyu at hindi dahil naging Miss Universe siya ay mauuna na siya sa pila.

Tom, wini-wish ng fans sa serye nila Alden

Pinost ni Tom Rodriguez ang mala-teaser poster ng episode ng Magpakailanman airing this Saturday na tampok sila ni Elizabeth Oropesa bilang mag-ina.

Balik-acting si Tom sa MPK, pagkatapos ng matagal na “forced vacation, kaya nagpasalamat sa mga kinauukulan.   “Ang laki ng pasasalamat ko na makabalik sa pag-arte with ‘A Mother to Remember’ sa #Magpakailanman after two years. This story is clos to my heart, at excited ako na ibahagi ito sa inyo. I admit, kinabahan ako returning to acting, pero I hope maiparating ko ng maayos ang importanteng kuwento ni Bryan Benedict,” sabi ni Tom.

Mula nang makabalik, nag-guest na siya sa All-Out Sundays, TictoClock at Sarap ‘Do Ba si Tom.

Wish ng kanyang fans na magkaroon na rin ng teleserye ang aktor at gusto ng fans nito na masama siya sa cast ng Pulang Araw. Bagay daw sa nasabing series si Tom dahil Fil-Am siya.

Cassy at Mavy, matibay ang naging bonding kay Paolo

Kabilang sa mga bumati ng happy birthday kay Paolo Contis ang twins na sina Mavy at Cassy Legaspi na nakasama ni Paolo sa Tahanang Pinakamasaya.

Naging close ang hosts habang airing ang show at hindi natapos ang closeness ng grupo kahit wala na ang show.

Papa Bear ang tawag ni Cassy kay Paolo at ‘yun din ang ginamit niyang name ng aktor sa kanyang birthday greetings.

“Kuuuuuya Pao, Happy Happy birthday Papa Bear! Thank you for always taking care of us and for always looking out for me. Thank you for your patience, dahil bawal ka pa kumain unless kakain na ako.

Love you so uch kuya Pao, will always be your Marisol sir Otto.”

Sabi naman ni Mavy, “Happy birthday to one of the most hard working person i know in the industry. Thank you for being such a good leader for us. enjoy your day!” at sinundan pa ng “Keep making people laugh and smile.”

May hirit lang si Paolo  dahil ang pinost ni Mavy na photo nila ni Paolo, kalahati lang ng face ni Paolo ang kita, samantalang buo ang face ni Mavy.

Maalalang ginawan ng intriga ang closeness nina Paolo at Mavy.

Show comments