Baguhang aktor na sumisikat na, nagpasilip ng dulo ng sandata
Nauuso na naman yata ngayon ang pagkakalat ng mga sex video!
Kababalita lang natin tungkol sa pagkalat ng vidjakol diumano ng aktor na si Louise Abuel pati ‘yung ipinarating din sa aming diumano’y sex video ng sikat na aktor at ng kontrobersyal na aktres.
Ang latest naman, may video rin daw itong baguhang aktor na bahagi sa isang top-rated drama series.
Ang lakas ng dating ng aktor na ito, pero hindi pa siya gaanong kilala. Kaya lang dahil sa sikat ang drama series na kinabibilangan niya, marami na rin ang nakakakilala sa kanya lalo na sa karakter na ginagampanan niya.
Kuwento ng isang acclang kaibigan namin, nasilip daw niya itong video ni baguhang aktor, hindi naman daw masasabing sex video.
Parang nagkabiruan lang daw sa kausap niya, ipinasilip daw niya ang kanyang ipinagmamalaking kargada.
‘Yung dulo lang daw ng sandata niya ang ipinasilip, ang bongga raw! Naglaway-laway daw ‘yung baklitang friend namin sa ipinasilip nitong si baguhang aktor.
Pinag-uusapan ngayon ng ilang grupo ng kabadingan, lalong lumakas ang sex appeal nitong si baguhang aktor.
Kaya nga minsan nakakatulong din sa career ng isang artista kapag nasasangkot sa sex video scandal sa totoo lang!
Naalala ko tuloy ang isang hunk actor na medyo napaglipasan na ngayon.
Matikas pa rin, pero siyempre habang nagma-mature, nababawasan na ang appeal ng pagka-hunk nito.
Hindi na siya kasing-init gaya ng dati. Kaya naisip daw niya tuloy magpakalat ng sex video niya.
Cong. Jolo, napansin ang pagiging public servant
Nakakatuwa ang achievements ng mga taga-showbiz na pumalaot na sa public service.
Nakaka-proud ‘yung nabibigyan sila ng pagkakataong mapatunayan kung gaano sila ka-effective sa pagsilbi sa taumbayan.
Isa na rito si Congressman Jolo Revilla ng 1st district ng Cavite na kung saan ay ginawaran siya ng RP-Mission and Development Foundation, Inc. ng parangal bilang Outstanding Public Servant ng taong 2023.
Nakita kung ano ang naitulong ng proyekto niyang Jolo Cares sa buong Cavite.
Si Cong. Jolo ang isa sa pinakabata sa Kongreso, at makabago ang pamamaraan ng trabaho niya sa pagsisilbi sa kanyang constituents.
Samantala, gusto ko rin i-congratulate ang kaibigan naming Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo ng Department of Information and Communications Technology dahil sa kamakailan lang ay ginawaran siya ng Philippine National Police Academy Alumni Association, Inc. ng Adopted Lakan Award.
Deserved naman niya ang pagkilalang ito mula sa PNPAAAI, kaya nagpapasalamat siya panibagong achievement na ito sa kanya.
- Latest