Elijah, nag-aral bumaril para kay Coco

Elijah Canlas
STAR/File

Isang buwan nang napapanood ang karakter ni Elijah Canlas bilang si Pablo Caballero sa FPJ’s Batang Quiapo. Nagdalawang-isip pa raw ang aktor noon na tanggapin ang seryeng pinangungunahan ni Coco Martin. “Honestly, there was a different role offered to me. It’s a type of role na I’ve done before kaya I really thought hard about it even if I wanted to join Batang Quiapo so much. Kasi ang dami kong nababalitaan eh. The experience about being part of the show, sa shoot. No’ng una we were hesitant pa and we were so honored kasi Kuya Coco thought of a role for me, ito nga, si Pablo Caballero. And no’ng nakwento ‘yung trajectory nung role, game na agad, yes na agad,” kwento ni Elijah.

Bilang paghahanda sa pagpasok sa serye ay kinailangan pang mag-workshop ng aktor. Nakahanda na raw si Elijah ngayon na makaeksena si Coco. “I was just telling him no’ng motorcade no’ng nakaraan, ‘Kuya Coco, kailan tayo magkakaeksena?’ No’ng sinabi ko nga sa kanya na gusto ko ma-experience, sabi niya, ‘Sure ka na ba?’ Sabi ko, ‘Oo naman.’ For the past months, we’ve been doing workshops. Up to now, it’s still ongoing, stunt, training, gun training, even ac­ting workshops. Kasi may different formula ‘yung style of acting here sa Batang Quiapo and we had to learn that,” pagbabahagi ng binata.

Matatandaang huling napanood si Elijah sa iWantTFC series na Senior High na nagtapos noong Enero. Naging mahirap para sa aktor na ibahin talaga ang istilo ng pag-arte sa Batang Quiapo. “Sobrang nanibago pero it was fun. It was something new for me, something challenging. Something that I have never done before, this style of acting. This type of show. Ang isa sa major concern ng lahat was how to make this different from my last show where I played a high school student. Pero here I’m playing someone na mas threatening, mas matured guy. I hope pasado sa mga manonood,” paglalahad ng aktor.

Kuh, tinigilan na ang kadramahan sa buhay

Ngayong Sabado ay ipagdiriwang ni Kuh Ledesma ang kanyang ika-69 na kaarawan. Bilang selebrasyon ay gaganapin ang 3:16 Songs and Stories concert ng Pop Diva sa Music Museum. Sa mahigit apat na dekada ay marami ng kantang napasikat ang singer. Naranasan na rin ni Kuh ang maging isang aktres sa ilang pelikula at teleserye. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap siya na makatrabaho si KZ Tandingan. “She’s a performer at saka madrama siya, madrama rin ako. So maganda ‘yon na magkaano kami. Hopefully in the future,” pagtatapat ni Kuh.

Aminado ang Pop Diva na talagang madrama siya sa totoong buhay noon. Nabago lamang daw ito nang mapalapit ang singer sa Panginoon. “Sa buhay hindi na ako nagdadrama. Hindi na ako nagma-manipulate. Dati no’ng hindi mo pa kilala ang Diyos, you try to manipulate things around. Ang babae kasi manipulator ‘yan eh, controller. I love putting drama in songs. That’s why I like to sing songs like Cry Me A River,” makahulugang pahayag ng singer. (Reports from JCC)

Show comments