^

PSN Showbiz

Rita, pinagtanggol si Andi

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rita, pinagtanggol si Andi
Rita Avila
STAR/ File

Nagsalita pala ang aktres na si Rita Avila tungkol sa paninisi sa mga anak ng pumanaw na beteranang aktres na si Jaclyn Jose.

Dinepensahan niya sina Andi Eigenmann at Gwen Guck mula sa mga nambabatikos na netizens. Tila nga sinisisi ng mga ito ang magkapatid sa pang-iiwan sa kanilang ina kaya wala raw itong kasama nang atakehin sa puso at ‘di na nailigtas pa. “I-REST IN PEACE NA MUNA PO ANG ISIP AT BIBIG kung walang buti ang idudulot nyo sa mga naiwan. MASAKIT NA PO MASHADO ANG NANGYARI SA KANILA. Hinay-hinay po,” bahagi ng caption sa post ni Rita.

Sinabi rin niyang hindi lahat ng nababasa o nakikita natin ay totoo. Wala tayo sa lugar para husgahan dahil ang pamilya lamang nila ang may alam sa mga tunay na nangyayari. Kaya sa halip daw na ipa-guilty ang mga naiwan ng beteranang aktres ay ipagdasal na lamang daw natin ito at kanyang pamilya.

May tiwala raw siya kay Jaclyn at sa mga anak nito sa kanilang mga desisyon kaya itigil na ang mga kuro-kuro.

Ruru at Jon, mainit ang muling paghaharap!

Hindi na paaawat sa round 2 ng kanilang tapatan sina Elias (Ruru Madrid) at Calvin (Jon Lucas) sa Black Rider!

Sino kaya ang lalamang? Kaninong buhay ang magtatapos sa pinakamatinding pagtutuos?

Si Calvin, ginawang bihag ang pinakamamahal na ina ni Elias na si Alma (Rio Locsin) at buong pagmamalaking ibinalita sa kanyang ama na si Señor Edgardo (Raymond Bagatsing) na hawak niya ang ina ni Black Rider.

Isang hindi inaasahang pagtatagpo ng dating magkasintahan ang naganap. Parehong nagulat sina Alma at Edgardo nang makita nila ang isa’t isa. Napagtanto ni Alma na ang matulunging lalaking sinasabi sa kanya ni Elias ay walang iba kundi ang ama nito na si Edgardo – ang lalaking inakala niyang patay na. Natuklasan naman ni Edgardo na si Black Rider – ang tinik sa kanyang lalamunan at kalaban ng Golden Scorpion – ay ang kanyang sariling anak na si Elias.

Samantala, trinaydor din ni Calvin ang assassin na si Teresa (Michelle Dee). Nangako ang dalagang maghihiganti ito laban sa kanila.

Sa pagtutuos nina Elias at Calvin, sino tunay na magwawagi?

Mas iinit pa ang aksyon gabi-gabi sa pagdating ng mga paa ng alakdan – ang mga ama ng Golden Scorpion boys!

Anong panganib sa buhay ni Black Rider ang naghihintay sa patikim ng kanilang bagsik?

Abangan pa sina Paolo Paraiso, DJ Durano, Leandro Baldemor, Lander Vera Perez, at Gerald Madrid sa pag-arangkada ni Black Rider, 8 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

vuukle comment

RITA AVILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with