Sen. Bong, mala-Pacquiao ang kamao!
No dull moment talaga ang action-comedy series nina Titanic Action Star Sen. Bong Revilla at Kapuso actress Beauty Gonzalez dahil sa kabi-kabilang action scenes na handog ng programang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa viewers nito.
Sa isang recent episode, marami ang humanga sa mala-Manny Pacquiao na kamao ni Sen. Bong na nagpapatumba ng mga sindikatong tinangkang i-kidnap ang police partner niyang si Elize (Max Collins).
Hindi naman nagpahuli si Beauty sa pagkakakita ng kanyang sariling action moves. Ibinida ng karakter niyang si Gloria na kayang-kaya niyang makipagsabayan sa action-packed scenes at nagpatumba pa nga ng mga kalaban.
Ibang level talaga ang action scenes sa programa. Matatandaang sa pilot episode ng serye ay apat na kotse agad ang pinasabog sa isang eksena lang. Subaybayan ang exciting moments na ito and more sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2, tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA Network.
- Latest