Bakit parang be all and end all ng fans ang nakaraang concert ni Taylor Swift?
Talagang naging laman ng news ang mga pupunta at hindi makakapunta sa concert ni Taylor Swift. Para bang national event na napakalaking bagay para sa lahat.
Nakakatawa nga dahil pati top celebrities natin kasali.
Classic nga ‘yung sinabi ni Lorna Tolentino na hindi niya tinapos ang concert dahil naguluhan siya sa mga nanood. Talagang para bang isang sinasambang santa si Taylor Swift kaya ganun na lang kung pagkaguluhan siya ng followers niya. Talagang parang lahat gustong mapanood o mabalita kasama ang pangalan ni Swift.
Ganun kalaki ang naging influence ni Taylor sa mundo ng showbiz lalo na sa music. Talagang parang isang kulto ang epekto nito sa lahat. Kaya masasabi mo talaga na isang malaking influence si Taylor Swift sa mundo.
‘Katawa ‘di ba na dahil lang sa paghanga mo sa isang celebrity malalagay ka sa gitna ng isang gulo. Nakakatuwa ngang makita kung hanggang saan ang influence ng isang Taylor Swift. Hindi mo aakalaing ganun kalaki ang impact niya sa tao.
Kahit pa nga sabihin mo na may ilan pa nga siguro na tulad ko na walang alam kahit isang kanta ng isang Taylor Swift. Kung nagkataon nga na natuloy ang show niya dito baka isa rin ako sa hindi manonood dahil nga wala akong alam na kahit ano sa idol ng marami.
Talagang hindi na nga ako makakasunod sa takbo ng present generation, ng Swifties, hah hah.