Dating aktres at Rep. Marissa Del Mar, loyal sa KathNiel

Marissa at Wilson
STAR/File

Handa ulit balikan ni now Rep. Marissa del Mar ang acting. Matagal nang pahinga sa pag-aartista ang dating actress.

Mas nag-focus siya noon sa TV hosting – sa Buhay-OFW at Up Close and Personal with Marissa del Mar na hindi pala niya inasahan na magiging way pa para mapunta siya sa Kongreso.

Sa mga hindi nakakaalala, dekada 80 nung nag-umpisa si Ms. Marissa sa showbiz. Nagsunud-sunod noon ang pelikula niya at naging leading lady pa siya nina Jing­goy Estrada, Lito Lapid, Christopher de Leon, Phillip Salvador, Anthony Alonzo among others.

At kasama sa nagawa niyang movie ang Calapan Jailbreak, Alamat ni Leon Guerrero, Bugoy, Kapitan Inggo, Walang Atrasan at marami pang iba. Base sa bilang niya, mahigit 25 movies ang kanyang nagawa.

Meron din daw siyang international movies na pinag-umpisahan aniya ng kanyang advocacy sa mga OFW.

Pero kung worth it daw, babalikan niya ang pag-arte. “Siguro ‘pag talagang worth it o talagang kaya ng schedule ko, why not. Siguro mga cameo-cameo lang.”

Pero sa younger generation, favorite niya ang tambalan nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

At ang pelikula pa raw nila ang huling napanood niya na Tagalog movie.

“Kaya lang wala na sila ngayon, ‘di ba,” sabay tawa niya at nag-joke na at least updated siya sa mga kaganapan sa showbiz.

Anyway, kinarir daw niya ang pagiging Partylist Rep. ng OFWs dahil since umupo siyang Kongreso naka-siyam na privilege speech na siya.

Actually, na-shock daw ang ibang mga kongresista na may baon siyang ‘bala’ sa pagpasok sa pulitika.

Nakagawa na rin daw siya ng 50 resolusyon para sa ating mga manggagawa sa ibang bansa.

Nagkaroon ng chance ang ilang entertainment editors / writers na makausap si Rep. Marissa sa isang Pandesal Forum hosted by Wilson Flores na ginanap sa Kamuning Bakery kahapon.

Show comments