^

PSN Showbiz

Mga kapatid at anak, hinihintay sa burol ni Jaclyn

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Mga kapatid at anak, hinihintay sa burol ni Jaclyn

Kahit blockbuster ang Batang Quiapo night sa wake ni Jaclyn Jose ay nandu’n ang Black Rider star na si Gladys Reyes na huling nakasama ang yumaong aktres sa pelikulang Apag with Brillante Mendoza.

Hindi ba’t ang gandang nagsasama-sama ang taga-industriya sa pagpupugay sa kapwa artista na sana ay mas madalas mangyari hindi lang kapag may namamatay?

Mas maraming parangal pa sana habang nabubuhay!

At sana stop na muna sa patay patay, quota na ang showbiz, first quarter pa lang!

Hinihintay ang mga kapatid ni Jaclyn at ang kanyang anak na lalaki mula abroad bago ang huling seremonya sa Sabado.

Jake, itatambal sa Kapuso actress!

Nakakatuwa na nandu’n sa wake ni Jaclyn si Jake Ejercito para na rin suporta kay Andi Eigenmann at sa kanilang anak na si Ellie.

May guesting daw si Jake sa isang existing teleserye sa Kapamilya network at sana matuloy ang project niya with a Kapuso star soon.

Guess who?

May K ang pangalan ng Kapuso actress.

Inalala sa 15th death anniversary... Francis M, inayawan ang Walk of Fame noon

Nataon na 15th death anniversary ni Francis Magalona kahapon nang kakatwang kasabay rin ng araw ng Induction sa Walk Of Fame dapat ni Kuya Germs (German Moreno).

Given that, bakit nga ba wala pa sa Walk of Fame Philippines si Francis Magalona?

Totoo bang tinanggihan ito ni Francis M at ng kanyang pamilya noon pa?

Hindi nga ba’t ang joke noon ni Gladys Reyes ay nauna pang nagkaroon ng Star si Jackie Woo doon kaysa sa kanya?

Well, binigyan na rin naman ng sarili niyang Star si Gladys.

Pelikula nila JC, nganga sa takilya

Showing kahapon ang pelikula ni JC de Vera at Sakura Akiyoshi, Lianne Valentin, Fumiya Sankai, Rico Barrera, Marcus Madrigal at Nelia Marie Dizon directed by Joel Lamangan – pero walang ibinibigay na gross sales ang mga kausap nating taga-sinehan.

Ano’ng ibig sabihin nu’n? Kawawa naman.

Muli, nasaan na ang Pinoy audience?

DongYan, ‘di nabitbit ang Rewind fans

Iba talaga ang TV. Iba ang pelikula. Gaano katotoo na kahit major major at historical ang kinita ng pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ay ok ok at so so lang ang nauna nilang rating this season ng Jose and Maria’s Bonggang Villa, at totoo ba ang chika na tatlong buwan lang daw itong iere?

Three months meaning one season – or mae-extend pa kaya ito?

We’ll see.

Nakakata-quote:

“Hindi lang ‘yun dapat nakakatawa tapos nag-joke pa ako kay Lord na hindi ko talaga akalaing (tutuparin niya). Sabi ko, ‘Lord, sana maging virgin ang asawa ko.’ Natupad.” – Donita Rose

JACLYN JOSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with