^

PSN Showbiz

Kuh, namimigay ng bible

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Magdiriwang ng kanyang ika-animnapu’t siyam na kaarawan si Kuh Ledesma sa March 16.

Bilang selebrasyon ay gaganapin ang 3:16 Songs and Stories concert ng Pop Diva sa Music Museum. “Birthday ko kasi ‘yung March 16, pero 3:16 sa bible, ‘For God so loved the world, He gave His one and only son that whoever believes in Him will not perish but will have everlasting life. So, I love the fact that my birthday is 3:16,” makahulugang bungad ni Kuh.

Umaasa ang singer na magsisilbing inspirasyon ang kanyang musika sa lahat ng manonood ng naturang concert.

Sinisiguro ni Kuh na mayroon pang matututunan ang lahat ng mga tagahangang pupunta sa kanyang show. “You will be inspired leaving Music Museum that night and say, ‘Oo nga ano, there’s more to life that we are doing.’ Marami po tayong pwedeng matutunan sa mga taong binago ng Panginoon. It’s going to be very inspirational, very purposeful. Maraming stories na will really touch the hearts of people,” paglalahad ng Pop Diva.

Bahagi ng kikitain ng concert ay ilalaan sa The Holy Bible Giver Foundation, Inc. na itinatag din ni Kuh.

Layuning matulungan ng singer sa pamamagitan ng kanyang non-profit organization ang mga kababayan natin. “It gives away bible sa mga preso, sa mga churches, outskirts. Then we are planning to visit the schools and give away bibles,” pagtatapos ng singer.

Piolo naglaro...Elijah, inalala ang namatay na kapatid sa badminton cup

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginanap ang JM Canlas Badminton Cup noong March 3. Pinangunahan ito ng mismong pamilya ng namayapang aktor. Masaya ang nakatatandang kapatid ni JM na si Elijah Canlas dahil naging matagumpay ang naturang event. “We’re so happy kasi a week ago, my dad was stressing out kasi konti lang ‘yung mga nagre-register. I was trying to convince him na, ‘Dad, don’t worry. People will just show up.’ But a couple of days, dumami na ‘yung nag-register. It’s a good turnout,” kwento ni Elijah.

Mahigit pitong buwan na ang nakalilipas nang mamatay si JM. Bilang paggunita sa kaarawan ni JM noong March 4 ay isang simpleng selebrasyon din ang naganap pagkatapos ng badminton tournament. Ayon kay Elijah ay talagang aktibo noon si JM sa paglalaro ng badminton. Naging bahagi pa umano ang namayapang kapatid sa varsity team ng eskwelahan. “It has always his dream. Badminton has always been his passion. And he was supposed to turn 18 this year and the only thing he want is a big party. And even wala na siya dito, we’re gonna throw it in honor of him. I hope he’s smiling from up there,” nakangiting pagbabahagi ng aktor.

Samantala, naging es­pesyal na panauhin sa naturang Badminton Cup si Piolo Pascual. Kilala ring magaling na badminton player ang Ultimate Heartthrob. “I’m here to show support and raise awareness also. Kasi in badminton, we try to have that sense of community. Sports siya eh, it promotes camaraderie,” maikling pahayag ni Piolo. — Reports from JCC

KUH LEDESMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with