Hindi na umano bubuksan ang casket ni Jaclyn Jose sa gaganaping wake ng award winning actress na natagpuang wala nang buhay noong Linggo sa tinitirhan nitong townhouse sa Quezon City.
Siya ay 60 years old - October 23, 1963 ang kanyang birthdate.
Magiging closed casket na raw ito ayon sa isang source.
At may nagsabi rin namang iki-cremate na ito.
Unless diumano magkaroon ng pagbabago sa mga plano.
Medyo nangingitim na diumano ang katawan ng aktres nang madiskubre ng SOCO ang kalagayan nito.
Nagso-solo si Jaclyn sa kanyang townhouse at pag may taping lang diumano siya pinupuntahan ng isang kasama.
Marami na raw tumatawag kay Jaclyn noong Biyernes at Sabado pero ‘di na raw ito sumasagot kaya ang tinawagan na nila ay ang pamilya ng batikang aktres at doon na nadiskubre ang sinapit nito.
Nauna raw sumugod sa townhouse nito si Gabby Eigenmann kasama ang mga miyembro ng pulisya.
Andun din daw kaagad si Coco Martin na isang tunay na ina ang turing sa actress. Kasama si Jaclyn na dinidirek ni Coco sa FPJ’s Batang Quiapo.
Kahapon din ay umiiyak na kinumpirma ng anak ng actress na si Andi Eigenmann ang nangyari sa ina.
“It is with great sadness that I announce the untimely passing of my nanay, Mary Jane Guck, better known as Jacklyn Jose, at the age of 60 on the morning of March 2nd, 2024 due to a myocardial infarction or heart attack,” umpisa ni Andi kasama si Gabby.
Umaasa rin ang inactive actress na matatapos ang mga speculation sa pagkamatay ng kanyang ina.
“We’d like to thank everyone who has since extended their prayers and condolences to us.
“As our family is trying to come to terms with this unfortunate incident, please provide us the respect and privacy to grieve and we hope this would put all speculations to rest,” na animo’y sagot ni Andi sa maraming naglalabasang dahilan daw ng pagkamatay nito.
“I’d just like to say that her undeniable legacy will definitely forever lives on through her work, her children, grandchildren and the many lives she’s touched. As she herself, her life itself was her greatest obra maestra. Thank you,” sabi pa ni Andi na sa Siargao na naninirahan.
Si Jaclyn ang kaisa-isang Fililpino na nanalo ng Best Actress award sa Cannes Film Festival in 2016 para sa pelikulang Ma’Rosa ni Brilliante Mendoza.
Kasalukuyan pa siyang napapanood sa FPJ’s Batang Quiapo bilang Chief Espinas pero sa eksena ay nabaril siya kaya nasa Intensive Care Unit ang kanyang character. Kaya’t hindi na raw magkaka-problema ang production ng TV series na pinangungunahan ni Coco Martin.
Samantala, gulat na gulat naman ang veteran actor na si Tommy Abuel sa nangyari na kasama sa Batang Quiapo bagama’t wala raw silang mga eksena.
“ It was so sad to hear about what happened to Jaclyn. Nakakagulat! There are still so many things she could have done in the entertainment industry. I worked with her on stage at the Cultural Center in the play Santa Juana, with her in the title role. Then in the movie MULANAY, and then in Ch. 7in the teleserye MARIMAR. She was very professional in her work and had always been a good actress. Her talent will definitely be missed. May her soul rest in peace!,” pahayag ni Sir Tommy Abuel.
Nahirapan din si Alden Richards “My heart aches like a son who lost his mom… You will be with me always. I love you my tita Jane,” caption pa ng actor sa kanyang post kasama si Jaclyn.
Nag-share naman si Gladys Reyes ng Reel na kasama ito noong shooting nila ng pelikulang Apag na napapanood ngayon sa Netflix.
“Nakakagulat, nabigla tayong lahat ang dami naming pinagsamahan, simula 9 years old ako sa Lovingly Yours Helen hanggang dito sa huling movie na Apag, di sya nagbago sakin.
“Isa itong vlog na to sa di ko makakalimutan na masayang bonding namin sa set.
“Di ko makakalimutan lahat ng tips, pag-alaga sakin na parang ate talaga. Nabawasan na naman ng isang magaling at de kalibreng aktor ang industriya.
“Mamimiss namin ang nag-iisang Jacklyn Jose @jaclynjose.”
Trending naman sa X (former Twitter) si Jaclyn Jose kaya kalat ang mga film clip ng mga ginawa nitong pelikula at teleserye na tumatak na.
Hindi nga mabilang ang mga pelikulang nagawa ng isang Jaclyn Jose.
Rest in Paradise, Ms. Jaclyn.