^

PSN Showbiz

Jennylyn, ayaw ilapit ang mga anak sa showbiz

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jennylyn, ayaw ilapit ang mga anak sa showbiz
Jennylyn Mercado

Bilang mga public figure, pangarap ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na magkaroon ng normal na buhay ang mga anak nila.

Wala raw natitira sa sarili nila bilang mga artista kaya as much as possible raw ay gusto nilang gawing mas pribado ang buhay nila bilang pamilya.

Hindi raw palaging lahat ilalabas nila at gusto pa rin nilang magtira ng para sa pamilya lamang dahil iyon daw ang pinakamahalaga lalo na para sa mga bata.

Gusto raw nilang lumaki ang mga ito na malayo ang buhay sa showbiz na para bang hindi showbiz ang mga magulang ng mga ito.

Sabagay, nakabili na sila ng bahay sa Las Vegas ilang taon na ang nakararaan na sabi ng actress ay magiging tahanan nila kung sakaling gusto na nilang mamuhay nang malayo sa mata ng publiko. Pero sa ngayon daw ay pinapaupahan muna nila ito.

Say pa niya, kapag gusto na raw nilang mag­retiro sa ibang bansa, may matitirahan na raw sila dahil doon daw ay walang pakialam ang mga tao at magiging normal ang buhay nila. Lahat daw ay magagawa nila nang walang magpo-post sa kanila sa social media kung saan lahat ngayon ay may opinion lalo na sa mga gaya nilang artista.

Ganern. Pero ‘di ba nakabili naman sila ng bahay sa Las Vegas dahil sa showbiz?

Kung ordinary worker lang ba siya, magkakaroon ba siya ng magandang buhay?

Sana naman ay ma­ging grateful si Jennylyn sa showbiz.

Bongga.

‘Miracle workers’

Talagang meron akong guardian angel. Akala ko hindi na ako makakabangon after ng two days na sobrang hina nang naramdaman ko.

But after ng checkup ko sa ER ng FEU Hospital nagbalik ang energy ko at ok na ako pag-uwi ng bahay. Talaga sigurong love ako ng guardian angel ko dahil para bang nagdahilan lang ako sa kalagayan ko.

Pero sa totoo lang, feel ko nang iba ang timpla ng katawan ko ngayon, talagang feel old na ako at weak sa edad ko. At talagang kailangan nang sumunod ako sa mga sinasabi sa akin ng doctors ko.

Nakita ko kung gaano kadali nilang naayos ang kalagayan ko after ng checkup sa ER. Imagine mo na halos hindi ako makabangon, pero naibalik agad nila ang lakas ko after ng checkup at medications. Miracle workers sila talaga.

I owe my life to God, and secondly to the good doctors looking after me. Salamat po, Amen.

 

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with