Pelikulang Pinoy 3 taong walang 'amusement tax' sa Metro Manila

Movie theaters in the country have been closed since mid-March last year, leaving the dimly lit entertainment halls once filled with lights and sounds of excitement and laughter empty, cold and in absolute silence.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Mababawasan ang kinakailangang bayarang buwis ng Filipino filmmakers sa Metro Manila bunsod ng mapaminsalang epekto ng COVID-19 pandemic, pamamayagpag ng online streaming at pamimirata.

Ipinasa kasi kamakailan ng Metro Manila Council ang isang resolusyong magsusupindi sa pangongolekta ng mga naturang buwis sa National Capital Region — bagay na tatlong taon epektibo.

Paliwanag ng resolusyon, dagdag na pasanin pa raw kasi ito sa local film producters na siyang makaaapekto sa sustainability ng Filipino film industry.

"In support of the resolution, [local government units] will amend their respective local revenue codes to waive the amusement tax for Filipino movies exhibited in Metro Manila from January 8 to December 24 of every year for the next three years," wika ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting chairperson at Metro Manila Film Festival (MMFF) overall concurrent chair Don Artes ngayong Huwebes.

"A producer needs to pay three types of taxes for each film including 10% amusement taxes together with other taxes such as Value Added Tax and Income Tax, making us the most heavily-taxed movie industry in the world."

Miyerkules lang nang ibahagi sa MMC meeting ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamamagitan ng direktor na si Jose Javier Reyes ang matinding pagtamlay ng industriya.

Matatandaang ilang taon natigil sa pag-shoot at pagpapalabas ng pelikula sa sinehan ang local film makers dahil na rin sa mga paghihigpit na dala noon ng COVID-19 lockdowns.

Enero pa nang ipagbigay alam ng local movie industry players ang hinanaing kay  Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos kasabay ng screening ng Manila International Film Festival.

"The DILG is in full support to reinvigorate the Filipino filmmaking industry and help them by bringing back the local moviegoers into watching in cinemas again," dagdag ni Abalos. 

MMFF period hindi sakop ng resolusyon

Sa kabila nito, magpapatuloy ang pagpapatupad ng mga naturang buwis sa pagitan ng ika-25 hanggang ika-7 ng Enero, panahon kung kailan ipinapalabas ang entries ng MMFF.

Naka-waive na rin daw kasi sa mga Metro Manila LGU ang mga naturang buwis para masuportahan ang mga benepisyaryo ng Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund), Film Academy of the Philippines, Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Optical Media Board, at FDCP.

"The move is also to encourage the production and exhibition of quality Filipino films by providing relief and assistance to filmmakers and producers," sabi pa ng resolusyon.

Bago ang MMC resolution na ito, matatandaang naging "highest-grossing" edition ang ginanap na MMFF 2023.

Isa sa mga entries nito ang pelikulang "Rewind," na siyang itinuturing bilang pelikulang may pinakamalaking kita sa kasaysayan ng Pilipinas kung "local sales" ang titignan.

Show comments