Bong pinakilala ang bagong apo!

Lani, Bong at Apo
STAR/File

MANILA, Philippines — “Meet our family’s new bundle of joy! Welcome home, apo!,” post nina Sen. Bong Revilla at Rep. Lani Mercado.

Naiuwi na nga ng Pilipinas ang kanilang bagong apo, anak nina Rep. Jolo Revilla and Angelica Alita na sa America nanganak.

Si Lani lang ang nakasama ng mag-asawa sa Amerika dahil nagdelikado nga raw si Angelica.

Samantala, pinuri ni Sen. Bong si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. (PBBM) makaraang lagdaan nito ang panukalang batas ng senador na mas kilala sa tawag na Revilla Law sa isang seremonya noong nakaraang Lunes (Pebrero 26) na isinagawa sa Palasyo.

Ang naturang batas ay magbibigay ng benepisyo sa mga Pinoy na octogenarian at nonagenarian, bukod sa centenarian na kasalukuyan nang nakakatanggap ng cash gift. Ang aktor/pulitiko pala ang principal author ng batas na ito, kung saan ang pinagmulan nitong panukala ay kanyang una at prayoridad na inihain sa kasalukuyang kongreso.

Sa ilalim ng tinatawag na Revilla Law, ang mga matatandang Pilipino na aabot sa mga edad na 80, 85, 90 at 95 ay makakatanggap na rin ng halagang P10,000 habang ang mga aabot naman sa edad na 100 ay patuloy na makakatanggap ng P100,000.

“Sabi nga, aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo. Malaking bagay iyon para sa kanila lalo na’t may mga pangangailangan din sila at gastos para sa gamot, vitamins, supplement, pagkain at iba pa,” dagdag ng batikang senador.

Pero retroactive ba ito at ang mga kasalukuyang lampas 80 years na ay makakakuha ng P10,000?

Show comments