‘Di nagmana sa ama Diego, aminadong mahina ang memorya

Diego at Hailey
STAR/File

Nakilala bilang magagaling na artista ang mga magulang ni Diego Loyzaga na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga. Mahigit sampung taon na ang nakalilipas nang pasukin ni Diego ang show business.

Ayon sa aktor ay maraming mga bagay ang naituro nina Teresa at Cesar upang maging isang magaling na aktor. “The one thing she teaches me is modulation of the voice which is sometimes I forget. Nadadala ako ng kausap ko. Minsan too high pitch, too low pitch. She taught me na with serious scenes, it should be deep. The use of the voice kasi nga she’s a singer. With my dad naman meron akong katatapos lang na pelikula last year. It was an action film. I made him watch it. He said, ‘I like your acting. Magaling ka naman pero kulang ka sa depth.’ He wants me to be deeper. To get affirmation from your dad, ang sarap sa pakiramdam,” pagdedetalye sa amin ni Diego sa Fast Talk with Boy Abunda.

Aminado ang aktor na talagang hindi niya mapapantayan ang talento ni Cesar pagdating sa pag-arte sa harap ng kamera.

Para kay Diego ay mahirap na higitan ang naabot na tagumpay ng ama. “My dad, magkaiba kami ng style eh. Siya, before he comes on set, days, days, days before kabisado na niya ang script from beginning to end. Ako, I have a memory of a gold fish. So, if I memorized the whole script, pagdating ko sa set, it jumbles up. When I read something, it’s all mixed up. I think, Tito Boy, earlier part of my career, I was really trying to fill those shoes. I was trying talaga to be like him. Recently, kumalas na rin ako eh. I’m just trying to be Diego. I know they’re very large shoes to fill kaya hindi ko na ipipilit ang sarili ko na maging isang Cesar Montano. Gusto ko na lang maging Diego Loyzaga. Of course, gusto ko ma-achieve ‘yung mga na-achieve niya sa career niya, but one day at a time,” giit niya.

Samantala, mag-iisang taong gulang na sa Mayo ang anak ni Diego na si Hailey. Nakabili na umano ang aktor ng bagong bahay para sa kanyang mag-ina. “After 12 years of being in showbiz, I finally was able to put a down (payment) for a house, Tito Boy. And I’m fixing kung ano ang magiging playroom niya. Kung ano ang magiging kwarto niya. Ang theme ko sa bahay is may pagka-mancave. Tapos ‘yung kwarto ni Hailey is all pink, nice, colorful! It feels different and at the same time it’s the same. I can’t say naman in an instant nagbago ‘yung buhay ko. But at the back of my head, it’s not just about Diego anymore. It’s Diego and Hailey and si­yempre my baby’s mom also, iniisip ko rin siya,” makahulugang pahayag ng aktor.

Sandara, gustong totohanin ang tambalan nila ni Coco

Ikinagulat ng mga tagahanga ang Instagram post ni Sandara Park noong Martes. Makikitang sumasayaw ang Korean star sa isang tulay sa Quezon City na may hawak na beer na kanyang ineendorso.

Kahit ilang araw lamang nanatili sa Pilipinas ay talagang na-enjoy naman daw ito ni Dara. “I feel at home. And parang nag-stay ako nang matagal kasi I went to my favorite restaurant,” nakangiting pahayag ni Sandara sa ABS-CBN News.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw makatrabaho ng Korean star si Coco Martin.

Nangangarap ang Star Circle Quest alumna na makatambal sa isang proyekto ang actor-director. “Sana magka-project kami ni Coco Martin in the future. I really love his movies. Napanood ko lahat ng movies niya lalo na ‘yung mga romantic comedies. So sana maging leading man ko siya in the future. Sabi niya, ‘Yeah! Let’s do something together.’ Sana maging totoo ‘yon,” pagbabahagi ng K-Pop artist. (Reports from JCC)

Show comments