Pinatunayan ni Jo Berry na “anyone can reach for their dreams no matter their size, shape, and height, as long as there is goodness in the heart.”
Dahil umpisa March 4, matutupad na ang pangarap niyang maging isang abogado, sa kuwento ni Lilet Matias: Attorney-At-Law na magbibigay inspirasyon sa mga manonood na panghawakan ang kanilang mga pangarap at pagpapahalaga sa sarili sa kabila ng mga paghihirap at mga batikos.
Ang serye nga ay pinangungunahan ni Jo bilang si Lilet Matias, isang maliit na tao na may malaking layunin sa buhay.
Gagawin niya ang lahat para ipaglaban ang tama at ipagtanggol ang mga inaapi.
Kasama rin sa cast sina Maricel Laxa as Atty. Meredith Simmons, a feisty lawyer who has a heart for the marginalized sector; Sheryl Cruz as Patricia, a former beauty queen-turned-celebrity who cares a lot about her image; Rita Avila as Lorena, a philanthropist whom Lilet looks up to; Bobby Andrews as Ramir, Patricia’s husband and a successful businessman; Lloyd Samartino as Atty. Constantino De Leon, Lorena’s doting husband.
Sinisikap ni Lilet Matias na mabigyan ng hustisya ang mga taong minamaliit ng lipunan. Habang ipinagtatanggol ang mga biktima ng pang-aabuso, diskriminasyon, at kahirapan.
Natuklasan ni Lilet ang isang kaso na muling magbubukas ng mga lumang sugat.
How will she remain fierce in times of pain caused by her estranged family?
Samantala, todo ang pasasalamat ni Jo na ang gaganda ng mga role na ibinibigay sa kanya ng GMA 7.
Pulos lead roles ang ibinibigay sa kanya.
“‘Yun po, unang-una, palagi ko pong sinasabi sa mga interview ko sa inyo na sobrang grateful po ako sa chance na ibinigay sa akin ng GMA at sa tiwala na hanggang ngayon, binibigyan nila ‘ko ng title roles,” sabi ni Jo sa presscon ng serye last Saturday.
“And napakaganda rin po, empowering siya. Sobrang grateful po ako and paulit-ulit ko po sigurong sasabihin sa inyo ‘yon. At wala rin naman ako rito kung hindi nila ko binigyan ng mga roles na ‘yon,” dagdag niya.
Dahil nga legal series ito na tatalakay sa mga legal cases, sumailalim pa raw sila sa immersion para tama ang kanilang maipakita sa manonood.
“Nag-attend kami ng totoong hearing with the production team and Direk Adolf (Alix, Jr.) para maranasan po namin kung paano talaga ang mga nangyayari sa korte,” dagdag pa ng Kapuso actress.
Marami rin daw silang series na pinanood: “Pinapanood kami ng maraming series with guidance. Ang writers po namin, gina-guide din ng lawyers. Meron kaming attorney every time na may eksena kami sa court para mapangalagaan ‘yung bawat words, ma-sure na tama,” dagdag pa niya.
Magsisimula na sa March 4, 3:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.