^

PSN Showbiz

Jaime Fabregas 74 na, walang planong magretiro

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jaime Fabregas 74 na, walang planong magretiro
Jaime Fabregas

Huling nagkatrabaho sina Coco Martin si Jaime Fabregas sa FPJ’s Ang Probinsyano noong 2022. Matatandaang ilang taong nagkatrabaho ang dalawang aktor sa naturang serye. Ngayon ay muling nakasama ni Jaime si Coco sa FPJ’s Batang Quiapo. Gabi-gabi nang napapanood ang karakter ng beteranong aktor bilang si Don Facundo Caballero. Ayon kay Jaime ay ibang-iba ang matutunghayan ng mga manonood sa kanya ngayon bilang isang kontrabida. “I’m so happy. No’ng tinatanong nila ako kailan ka papasok sa Batang Quiapo, sabi ko, ‘pag matandang Quiapo na.’ Naiiba character ko dito. It’s not the usual goody-goody character that I’ve been playing since 2009. So, it’s a change. Medyo excited din ako na may kaunting nerbiyos. Kasi hindi ko alam kung magagawa ko nang tama pero kasama na po ‘yon sa trabaho,” nakangiting pahayag ni Jaime.

Sa loob ng limang dekadang pananatili sa show business ay maraming proyekto na ang nagawa ng beteranong aktor. Ngayong araw ay ipinagdiriwang ni Jaime ang kanyang ika-pitumpu’t apat na kaarawan. Sa edad niya ngayon ay hindi pa umano nakikita ng aktor na tatalikuran na ang pagiging isang aktor. “The work that we do is just like any form of art, you cannot put timetable to it. Ang importante lang sa amin, malakas kami. Kung malakas ka pa, malusog ka, nakakapaglakad ka, nakaka-memorize ka pa ng lines, nakakapagsalita ka nang hindi ka masyado nauutal, then you go on. ‘Coz I do not see myself retiring. For as long as I can continue to work, I’m working,” giit ng magaling na aktor.

Karylle, first time nakatanggap ng proposal

Ikinagulat ng mga manonood ang mu­ling pagpo-propose ng kasal ni Yael Yuzon sa asawang si Karylle Tatlonghari sa It’s Showtime noong Lunes. Sinorpresa ng bokalista ng Sponge Cola ang misis para sa naging tagumpay ng Rama Hari. Isa si Karylle sa mga nagbida sa naturang musical play. Sa susunod na buwan ay magdiriwang ng kanilang ika-sampung anibersaryo ang mag-asawa. Ayon kay Yael ay talagang marami na silang nalampasang pagsubok ni Karylle. “Magte-ten years na kami na kasal. ‘Yung thing na being kasal na kayo ng 10 years, parang mas maa-analyze mo ‘yung mga things through the ups and downs, mostly ups pero sa mga downs mo actually mas maa-analyze ‘yung mga things. Tapos kung sigurado ka back then, mas sigurado now kasi mayroon na tayong 10 years together. Kaso kasi may hindi ako nagawa before, and I’m going to do it now…,” paglalahad ni Yael.

“Will you marry me again?” nakaluhod na tanong ni Yael kay Karylle.

“Yes! I’m so confused,” nakangi­ting sagot naman ng It’s Showtime host.

Para kay Karylle ay hindi perpekto ang kanilang relasyon ni Yael sa loob ng sampung taon. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTOR

JAIME FABREGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with