Pia Hontiveros, walang mapuntahan?!

Pia Hontiveros

Naka-post ang pag-uusap ng mga boss ng Kapuso network sa dating CNN anchor na si Rico Hizon. Maganda ito kung matuloy dahil parang homecoming ito ni Rico na nagsimula sa GMA before siya nagka-international career.

Samantalang may nasagap kaming balita na si Pinky Webb ay kinakausap na ng TV5 at nagsabi lang ito na magbabakasyon lang muna, totoo ba?

Si Ruth Cabal, balik Kapuso rin ba? Si Pia Hontiveros, saan kaya pupunta?

Miss U, tambak ang intriga

Heto na naman ang bagong issue sa Miss Universe owner na si Anne Jakrajutatip na navideohan daw na sinasabing strategy lang ang kanyang palakad nang may inclusivity para magmukhang may say ang nakararami sa mga pagbabagong ipinatutupad niya sa rules ng pageant.

Naniniwala ba kayo sa sinabi ni Anne na it was “malicious” and was taken out of context to “manipulate other people”?

Patuloy na lang ba nating tatanggapin lang ang mga ganitong pamamalakad at mananatiling walang stand sa pag-alis ng dating Miss U official na si Paula Shugart?

Wedding take two, biglang nauso

Parang uso na ngayon ang proposal ulit at kasal ulit. After the wedding Take Two nina Luis Manzano at Jessy Mendiola with Baby Peanut present, heto si Yael Yuzon na nag-propose muli kay Karylle sa It’s Showtime.

Kailangang maging sensitive na lang ang mga tao para huwag nang magtanong about having kids, pero why the need to get married again?

Hindi ba ito gastos din again?

Oh well, kung gusto naman nila and it works for them, so be it, ‘di ba?

Anak ni Gloc-9, nilantad ang mukha na walang aprubal

Hinahangaan ‘yung naging revelation ni Gloc-9 na inspirasyon niya sa kanyang awit na Sirena ay ang kanyang anak.

At tama ang asawa ni Gloc-9 na si Thea sa pagtatanong na bakit ang iba, basta nalang isinalpak ang mukha ng anak nila nang walang pahintulot sa kanilang mga artikulo at vlog?

Buti pa si MJ Felipe na nag-blur ng mukha ng bata nang ini-report sa TV Patrol, ‘di ba?

Sana maging mas sensitive ang media sa pagha-handle ng mga isyung ganito.

Sandara, nilayasan ang career sa Korea

“Manila! I’m home!”

‘Yan ang post ni Sandara Park na nandito sa bansa to explore.

Tanong sa atin, open kaya siya sa prolonged TV assignments?

Or puwede kaya siya sa mga one shot guestings? Whatever happened to her international career na?

Oh well, Sandara is Sandara! Nasaan na kaya ang mga na-link sa kanyang sina Joseph Bitangcol at Hero Angeles?

May naghihintay pa kayang career sa kanya rito sa atin?

Nakakata-quote:

“54 never felt so good,” – Maricel Laxa-Pangi­linan

Show comments