^

PSN Showbiz

Gloc 9 proud ipakilala anak na bakla 12 taon matapos ilabas 'Sirena'

James Relativo - Pilipino Star Ngayon
Gloc 9 proud ipakilala anak na bakla 12 taon matapos ilabas 'Sirena'
Litrato ng Filipino rapper na si Gloc-9
Video grab mula sa Youtube channel ng ABS-CBN News

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng mas malalim na kahulugan sa Pinoy rapper na si Gloc 9 ang kanyang hit song na "Sirena" matapos malamang bakla rin ang kanyang anak, habang nagpapasalamat sa mga magulang na naliwanagan sa danas ng lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT) community.

Ibinahagi ito ng rapper sa panayam ng ABS-CBN News, bagay na in-upload nitong Lunes.

"My son is gay. Nung sinulat ko ‘yun, hindi niya pa sinasabi sa amin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa anak ko na, kung gaano ko siya kamahal," sabi niya habang umiiyak.

"Hindi naman ako ma-showbiz and I think para sabihin ko ito now, ako ay proud na proud sa anak. Ako ay excited sa kung ano man ang kaya niyang ma-achieve sa buhay niya."

"Ako’y proud na may anak ako na tulad ni Daniel. Mahal na mahal ko ang mga anak ko at gagawin ko ang lahat para sa kanila."

 

 

Bagama't 12 taon na raw ang awitin, sinabi rin ng rapper na isa ito sa maibibigay niyang regalo sa anak.

Ikinatuwa rin niya ang posibitong naging reaksyon nito sa masa nitong mga nakaraang taon, kahit aminado siyang takot siya nang una niya itong ilabas.

"Minsan nag-guest ako sa isang show sa ABS, isang bouncer, ‘idol, salamat ha.' Sabi ko, ‘bakit?’ 'Kasi yung anak ko sirena rin eh, nung narinig ko 'yung kanta mo, naliwanagan ako,'" dagdag pa ni Gloc 9, na kilala rin bilang Aristotle Condenuevo Pollisco sa totoong buhay.

"Noong minsan, I think days after namin ma-release 'yung music video may isang grupo ng production people na nagpunta sa bahay to interview me about the song. And then pinapanood namin sa kanila, eto na 'yung music video baka gusto niyong mapanood."

"And then 'yung isa talaga humahagulgol at the end of the song. And then she said, "Nararamdaman ko 'yan kasi 'yan ang buhay ng best friend ko. Maraming salamat.'"

Taong 2012 pa nang lumabas ang naturang awitin, bagay na nagkwekwento ng buhay ng isang baklang dumanas ng pagmamaltrato sa kamay ng ama, bagay na kanya pa ring pinakitaan nang mabuti hanggang sa siya'y matanggap. Naka-collab niya rin ang dating Sugarfree vocalist na si Ebe Dancel sa awit.

Bagama't bahagi ang Pilipinas sa mga relatibong progresibo ang turing sa mga LGBT, marami pa rin sa kanilang sektor ang nakararanas ng diskriminasyon, karahasan, atbp.

Hindi rin sila pinapayagang magpakasal sa kapareho ng kasarian sa ngayon.

 

GAY COMMUNITY

GLOC-9

LGBT RIGHTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with