Personal na nakasama ni Anne Curtis noong Sabado ang mga OFW o overseas Filipino workers mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Naging bahagi ng audience ng It’s Showtime ang mga balikbayan para sa espesyal na selebrasyon ng kaarawan ng aktres sa programa. “This year, my birthday was even more special. It started with a running joke and I don’t know bakit siya naging trending ulit. Para sa ating mga kababayan na maybe missing a piece of home. Parang from a joke, naging reason for me to celebrate and bring meaning to you guys. It’s more meaningful for me kasi feeling ko kahit joke siya, playtime, ginawa n’yong something to be happy about. Para sa Madlang Pipol natin na OFW na nakauwi para sa birthday ko, I just want to tell you that I’m so enchanted to meet all of you,” emosyonal na pahayag ni Anne.
Halos hindi makapaniwala ang aktres na talagang nakasalamuha ang mga OFW para sa kanyang kaarawan. Nanggaling pa sa Spain, Thailand, Saudi Arabia, Australia, Canada, Dubai, United Kingdom at Qatar ang mga naging bisita sa noontime show.
Malaki ang pasasalamat ni Anne sa mga kababayan nating nakikipagsapalaran sa ibang bansa para sa kanya-kanyang mga pamilya. “I just hope na parang kahit kaunti, mapatawa ko kayo. Maraming, maraming salamat, you guys made it to my birthday,” pagtatapos ng aktres.
Anak ni Angelica, ayaw pa ring kilalanin ng ama
Mahigit labing-isang taon gulang na ang anak ni Angelica Jones sa dating kasintahan. Ayon sa actress-politician ay nawala ang birth certificate ng anak ilang taon na ang nakalilipas at ngayon ay nakararanas sila ng problema dahil sa ama ng bata. “Ayaw pagamit apelyido, hindi maka-graduate. Nawala kasi birth certificate ng anak ko sa St. Luke’s during pandemic. Hindi na-file agad. So ngayon need ng late registration, pipirmahan lang, hindi pinirmahan. Nalaman ng anak ko, nabasa message ng conversation sa sinabi ng dad. Humahagulhol siya,” kwento ni Angelica sa ABS-CBN news.
Para kay Angelica ay maliit na bagay lamang ang kanilang hinihiling sa ama ng anak. Nilinaw din ng actress-politician na hindi salapi ang dahilan ng kanyang pagpapapirma sa birth certificate ng anak. “Ang kailangan lang pirma para maka-graduate anak ko. Doon nakasalalay future ng anak ko for HS and college. Wala kami hinahabol dahil mula pagbuntis, ako financially, emotionally, spiritually, ako umako lahat. Ako gumastos, wala siya binibigay na suporta. Ang gusto ng anak ko makilala siya. Umiyak siya, sabi niya, ‘In 10 years ‘di ako kinilala ng tatay ko. Anak ba talaga ako, totoong anak ng tatay ko?’ Masakit sa nanay, nakakadurog ng puso ‘pag anak mo na umiiyak, ‘pag anak mo na nasasaktan. Gusto mo kunin lahat ng sakit ‘wag mo lang makita umiiyak anak mo,” makahulugang paliwanag niya. (Reports from JCC)