Heart nag-marathon sabay rampa sa Milan!

Heart Evangelista,
STAR/ File

Nagagamit ni Heart Evangelista ang pagiging artist sa mga Reel niya sa Milan Fashion Week.

Ang bongga nung Reel ni Heart para sa isang brand of shoes na nag-expand na rin sa clothing.

Parang marathon ang concept nito – habang naka-sexy dress at tumatakbo na ang lamig na kahit pinawisan pa ay naka-awra pa rin pero nag-accommodate ng request ng fans na authograph.

Kung iba siguro baka hindi na siya pumirma ng autograph.

Nauna nang nabanggit ni Heart na siya mismo ang nagco-conceptualize ng kanyang mga video. Hindi niya inaasa sa kanyang mga social media team.

But anyway, sa true lang hindi naman siya nahulas.

Andun pa rin ang freshness.

Iba ang concept, hindi lang basta ginawa para mag-promote.

Show comments