Isang reunion movie mula sa Viva Films ang pinaghahandaan ngayon nina Julia Barretto at Joshua Garcia.
Maraming proyekto ang pinagtambalan ng dalawa noon. Matatandaang huling nagkatrabaho sina Joshua at Julia sa pelikulang Block Z noong 2020. “Wala pa akong balita pero ang last kong balita, ‘di pa kasi kami nakapag-shoot eh, pero mangayayari ‘yon,” nakangiting bungad ni Joshua.
Bukod sa bagong pelikula ng tambalang JoshLia ay isang teleserye rin ang nakatakdang pagbidahan ng aktor. “May mga projects ako this year pero as of now nasa preparation stage pa rin kami ngayon,” dagdag ng binata.
Bilang paghahanda sa mga nakalinyang proyekto ay puspusan na umano ang ginagawang pagwo-workout ni Joshua. Pakiramdam ng aktor ay bumigat ang kanyang timbang dahil na rin sa nagdaang Kapaskuhan “Very chill start. Parang feeling ko ‘yung simula ng taon na ‘to puro self-care, puro workout, exercise, puro gano’n muna. Kailangan kasi nagdaan ang Pasko at bagong taon na puro pagkain, ‘di ba? I think deserve ko rin na ibalik ‘yung sarili ko,” pagtatapos ng aktor.
One year old na anak nina Iza and Ben, nag-aaral na
Ipinanganak ni Iza Calzado ang kanilang supling ni Ben Wintle noong Jan. 26, 2023 na si Deia Amihan.
Aminado ang aktres na nakaramdam sila ng matinding takot ng mister noong sa pagbuo ng pamilya. “He knows what he’s decided to get into with me. So kahit siguro may mga pinagdaraanan ka, he patiently tries to work it out with me kumbaga. Ako naman nakita ko rin na malaki rin kasi ang desire ko na mag-improve sa sarili ko. Kasi nga hindi nga ako perpekto. Motherhood will trigger you in a lot of ways eh. Hindi pa nga nagsasalita si Deia kaya talagang ako nando’n ‘yung nag-parenting workshop kami. I try to read as much as I can. But you cannot read so much. It’s an application,” paglalahad ni Iza sa On Cue ng ABS-CBN News.
Kahit musmos pa lamang ay marami nang ginagawa sa ngayon ang anak nina Iza at Ben. “Nag-aaral na ‘yan ngayon, may mga play na sa school. I bring her to a montessori school once a week, she has swim class. Ang daming activities niya. Kasi para sa akin it’s also doing things with her. Gusto ko rin na nae-expose kami sa iba’t ibang activites and learnings. Iniisip ko hindi ko naman alam lahat. Hindi naman ito ang forte ko,” paliwanag ng aktres.
Ang mga namayapang magulang ang nagsisilbing inspirasyon ngayon ni Iza.
Para sa aktres ay ginagawa niya ang lahat nang makakaya upang mapabuti ang buhay ng sariling pamilya. “Si dad kasi was such an artist, live life to the fullest and full of joy. So siguro not as much structured. My mother wants a structure so what I feel like to Ben and I, it’s not a perfect marriage because there’s no such thing. He has enough structure that is not too structured for me and it is exactly what I need. I think I give that flow naman na spontaneity vibrant energy in life. My mother never saw me enter this business. She didn’t even see me on TV which was her childhood dream for herself and for me. ‘Yung tatay ko ang gusto lang no’n ikasal ako at magkaroon ako ng anak. ‘Yon lang ang hinihintay niya eh. Inaalay ko na lang sa kanila lahat ng ito at laging kasama sa dasal ko, tulungan n’yo po ako,” emosyonal na pagbabahagi ng aktres.
(Reports from JCC)