^

PSN Showbiz

Daniel, nag-chill sa Vietnam

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Daniel, nag-chill sa Vietnam
Daniel Padilla at Kaibigan.
STAR/ File

Hindi pala sa Thailand, kundi sa Vietnam nagpunta si Daniel Padilla kasama ang isang male friend.

May sightings na kay Daniel sa Vietnam habang kumakain sa isang eatery sa tabi ng daan sa Hanoi.

Nakakakilos nang libre sa Vietnam at sa ibang bansa ang aktor dahil kung kilala man siya, hindi ng karamihan.

Inakalang sa Thailand lumipad ang aktor ng ibang netizens.

Masaya ang fans niya na nakikita siyang masaya habang nasa bakasyon. Mag-enjoy lang daw siya dahil kapag nakabalik na siya at nagsimula nang magtrabaho ay sunud-sunod na ang kanyang projects.

Ang daming inilatag na project ang ABS-CBN nang mag-renew siya ng kontrata sa kanila at excited na sila na abangan ang mga proyektong ito.

Dominic, hindi na pinalalampas ang fake news!

Comment ng fans ni Dominic Roque, palaban na raw ito dahil nagre-react na sa news na para sa kanya ay hindi totoo.

Nauna nang nag-react siya by releasing a statement sa isyung prenup nila ni Bea Alonzo, pati na ang isyu sa condo na kanyang nire-rent.

Ngayon naman, itinanggi niya ang quote na galing daw sa kanya. Pinost nito sa Facebook ang quote na sinabi raw niyang “Guys, never ever choose a girl na dumidepende sa yaman na meron ka at hindi sa pagmamahal na kaya mong i-offer. I should  have known this from the start. Lesson learned.”

Tatlong post ng “Fake News” ang sagot dito ni Dominic at nag-comment pa ng “Philippines No. 1 Page FAKE  NEWS!!! XXX FAKE NEWS!!! XXX FAKE NEWS!!! XXX.”

May mga nanisi kay Dominic kung bakit naging girlfriend nito si Bea at sa pagiging open nila at ng kanilang relasyon sa social media. Nakatikim ng bashing from the netizens ang nag-comment nito dahil parehas lang daw sila na naba-bash after their breakup.

Anyway, magka-team sina Dominic at Jak Roberto sa sasalihan nilang 2024 Boss Ironman Motorcycle Challenge Luzon na magsisimula this Friday (Feb. 23) to 24. First time ni Dominic sa Boss Ironman Motorcycle Challenge, kaya ramdam ang excitement nito. Second time naman ito for Jak Roberto na sumali sa nasabing motorcycle challenge na ginanap sa Mindanao.

Rewind pasok na sa Netflix

Hindi na pinatagal ng mga producer ng Rewind at dahil sa maraming request, mapapanood na ang nasabing highest grossing Filipino ever sa Netflix.

Mark your calendar dahil simula sa March 25, nasa Netflix na ang pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sa rami ng nakapanood ng movie noong Metro Manila Film Festival, marami pa rin ang hindi nakapanood at hindi naabutan sa mga sinehan ang pelikula, kaya may request na ilagay sa Netflix.

Kahit ang mga nakapanood na, gugustuhin pa ring mapanood ang Rewind at feel pa rin nilang umiyak. Ito ay kahit alam na nila ang en­ding ng movie na namatay si Dingdong at humiga pa nga sa casket.

Sabi ni Dingdong, “medyo malambot” ang casket at nalaman ito nang sagutin ang comment ni MJ Felipe na binili ni Boss Toyo ang casket na hinigaan niya sa owner ng funeral parlor. Ibinenta kasi nito for P250,000 ang casket kahit sabi ni Boss Toyo, hindi niya alam kung may bibili.

Samantala, hindi lang ang success ng Rewind ang ipinagpapasalamat nina Dingdong at Marian Rivera, pati na ang maraming nanonood sa comedy show nilang Jose & Maria’s Bonggang Villa.

Lalo na at sa istorya, magbubuntis na si Maria (Marian) ng first baby nila ni Jose (Dingdong).

NETFLIX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with