MANILA, Philippines — Matapang na puso at kalooban ang ipapakita ng Kapamilya artist na si Anji Salvacion sa kanyang bagong EP na GRIT.
Tampok sa mini-album ang anim na awitin na iikot sa tema ng confidence, empowerment, pag-ibig, at pagpapalaya. “‘GRIT’ refers to having an unbreakable or indomitable spirit. Being brave enough to take chances in life, being strong and resilient enough to learn from one’s mistakes without losing sight of the importance of being an authentic person with humility and integrity, and lastly, having tenacity—the determination to pursue one’s goals no matter what,” saad ni Anji.
Dala rin nito ang mensahe ng pagbangon nang walang bigat sa kalooban sa gitna ng pagwawakas ng isang relasyon.
Ibinida rin ni Anji ang kanyang pop star na imahe sa You Didn’t music video na idinirehe ng sikat na Filipina drag superstar na si Marina Summers.
Kabilang din sa EP ang mga awitin na Happy na isinulat ni Lian Dyogi, Just Stay na isinulat nina Sab at C-Tru, Masterpiece na isinulat ni SAB, Don’t Lie 2 Me na isinulat ni Kio Priest, at ang remix version ng Paraiso na isinulat nina Alex Gordeev at Anne Marie Ala.
Pinasok ni Anji ang mundo ng showbiz nang sumali siya sa unang season ng Idol Philippines noong 2019. Nagkaroon naman siya ng big break nang itanghal siyang grand winner ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 noong 2022. Nagsimula siya sa music industry bilang bahagi ng iba’t ibang soundtracks tulad ng Buo mula sa Marry Me, Marry You, Keeps on Coming Back mula sa Unloving You, at Don’t Be Afraid mula sa My Sunset Girl.
Inilabas ni Anji ang kanyang unang EP na Kasingkasing Dalampasigan na isinulat niya mismo.
Tampok dito ang awitin na Dalampasigan na umani ng mahigit dalawang milyon sa iba’t ibang platforms.
Available ang bagong EP ni Anji na GRIT sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.