Bamboo, kakaibang talent ang hinahanap

Bamboo

Napapanood na tuwing Sabado at Linggo ang The Voice Teens Philippines Season 3.

Masaya si Bamboo Mañalac dahil muling sumalang bilang isa sa mga coach sa pinakabagong season ng naturang talent reality show. “It feels good. It’s another round of it. It’s time to mentor and I guess, to meet a new batch of new artists. It’s always fun. Better than the last season I felt. Kasi parang last season was more like getting back on it after such a long break and then there are new coaches. But now, it feels a little more comfortable,” pagbabahagi ni Bamboo.

Sina Martin Nievera at KZ Tandingan ang kasamahang coach ni Bamboo ngayong season.

Ayon sa bokalista ay kakaibang talento ang kanyang hinahanap upang mapabilang sa Kamp Kawayan. Umaasa si Bamboo na muling makakadiskubre ng aspiring artists mula sa The Voice ngayong taon.  “I was very specific. I was looking especially for parang from my best. I’m trying to get na parang pulse na, ‘Okay this could be an artist’. Parang ang vision ko is like kids just playing a piano during the battles, playing guitars, multi-instruments. I’m looking for that energy. That’s always been sort of what I’ve wanted for Team Kawayan,” pagbabahagi ng The Voice Coach.

ZSA ZSA, 41 years na sa industriya

Ipinagdiriwang ni Zsa Zsa Padilla ngayong taon ang kanyang ika-apatnapu’t isang anibersaryo sa show business.

Malaki ang pasasalamat ng singer-actress sa lahat ng mga nagmamahal at sumusuporta sa kanyang karera sa nakalipas na apat na dekada.

Nagsisilbing inspirasyon si Zsa Zsa hindi lamang sa mga tagahanga kundi pati na rin sa mga kasamahan sa industriya.  “I’m also inspired by you guys. You guys are great. ASAP thank you very much. You’re always doing something. And of course, ABS-CBN family and bosses. Thank you so much to my manager, Nene Atilano, everyone who believed in me and who still believe in me, thank you so much. Thank you for being around. I love you. Thank you to all the fans, I love you guys,” nakangiting pahayag ni Zsa Zsa sa ASAP Natin ‘to.

Mayroong payo ang Divine Diva para sa lahat ng nakababatang kasamahan sa industriyang ginagawalan. Para kay Zsa Zsa ay kailangang maging maayos ang pakikitungo sa lahat ng katrabaho upang mas magtagal sa show business. “Always to be humble, it is possible to be humble kasi sometimes the fame really gets to you. You have to remember it’s not forever. You have to treasure that moment and you have to be kind. Please be kind,” pagtatapos ng singer-actress. — Reports from JCC

Show comments