Bamboo, badtrip sa kanilang reunion concert?!
Dahil sa technical glitches...
Maganda ang feedback sa Rivermaya Reunion concert last weekend.
Totoo bang pinatunayan nila na kung live na kantahan, mas angat ang vocal prowess nina Bamboo and Rico Blanco than Ely Buendia of the Eraserheads?
At astig pa rin ang rhythm section at wala pa ring kupas sina Mark Escueta and Nathan Hachero Azarcon.
Rak en roll talaga!
There were a few technical issues where the audio stopped for a few seconds during the initial set but the biggest drawback was when during the band was playing 20 Million.
Bakit wala nang marinig?
Parang hindi alam ito ng banda and they continued to play – until they were told by the techs na tumigil.
Kinawayan na lang ng banda ‘yung audience to pacify them, while the sound engineers tried to fix the problem.
Anyare?
Totoo bang na-overhear during the break: “Ano na Live Nation???”, “May masisibak na sound engineer dyan sigurado!”, “Refund! Refund!”, “Sa Coldplay ang mahal din ng ticket pero maayos ‘yung program! Dafuck!” “Malamang badtrip na si Bamboo...”
Sabeeeh?
Everybody turned on and waved their cell phone during Rico’s epic performance of You’ll Be Safe Here on the piano.
‘Di ba proud na proud ka sa Oppa mo, Maris Racal?
Ang tanong lang ng iba, bakit hindi kinanta ang Liwanag Sa Dilim? Bawal ba?
South Border, malabong mag-reunion!
Next question: sino ang susunod na major band na magsasama at magre-reunion nang buo at hindi tingi-tingi tulad ng Side A?
Kaya kaya ng South Border? Paging Brix Ferraris, ‘di ba?
Sa anak nga niya hindi siya nagpapakita, sa concert pa kaya?
Nakakata-quote:
“Nine years too late, but made it still.” - Cecilia Ongpauco, mom of Heart Evangelista on Heart’s recent renewal of vows with Senator Chiz Escudero
- Latest