Tahanang Pinakamasaya, tsutsugiin na?!

Paolo, Bianca at Isko
STAR/ File

Muli na namang pinag-uusapan ang isyu ng noontime show ng TAPE, Inc. sa GMA 7 na sinasabing tsu­tsugihin na raw ito.

Ang Tahanang Pinakamasaya nga ba ang tinutukoy sa mga usap-usapang malapit na itong palitan ng ibang programa?

Namomroblema na raw sa finances dahil sa palaki nang palaki ang nagagastos nila ngayon.

Pero, kapag napapanood naman namin ito sa tanghali, ang dami namang commercial load. Mas marami pa nga siya sa It’s Showtime.

Kasabay nito, may kuwento ring wala na raw si Mr. Tony Tuviera sa TAPE, Inc. Pero nung umalis ang TVJ at mga legit Dabarkads sa GMA 7, nakikita pa rin namin ang pangalan ni Mr. T sa closing credits. At sa pagkakaalam namin, may percentage pa rin siya sa programang ‘yun ng TAPE, Inc.

Pero ang kasunod pang balita ay nababaon na raw sa utang ang TAPE sa GMA 7 na umabot na diumano ng P800M.

Ang buong akala ng iba ay ngayon lang ang utang na ito ng TAPE sa GMA 7.

Pero sa pagkakaalam namin at base sa ilang napagtanungan, naipon na ang utang na ito sa GMA 7 mula pa nung Eat Bulaga pa ito nung panahon ng TVJ.

Ibig sabihin, under pa ito sa management ni Mr. T at ilang executives na humahawak sa programa.

Sana malinaw lang ito ng dating namamahala ng dating Eat Bulaga at lalo na si Mr. T na tahimik pa rin sa isyung ito hanggang sa ngayon.

Wala pa kaming nakukuhang sagot mula sa Tahanang Pinakamasaya kung totoo bang malapit na silang tsugihin.

Pero sa pagkakaalam namin, may kontrata pa sila sa GMA 7 hanggang December ng taong ito.

Ang sabi naman ng ibang napagtanungan namin, kung anu-ano raw kasing naglalabasang balita tungkol sa TAPE na hindi naman totoo.

“Kawawa na nga ng TAPE, puro na lang napi-fake news,” bulalas ng isang taga-TAPE na nakatsikahan namin.

Baliwag mayor, nag- react sa abot-kamay…

Nakakatuwa kapag pinag-uusapan ng ilang televiewers ang mga sinusu­baybayan nilang drama series.

Ang isang naaaliw kami kapag naririnig ko ang kuwento ng kasambahay at ng kapitbahay namin, na naloloka na sila sa pagsubaybay sa kuwento ng Abot-Kamay na Pangarap.

Ang nasa kuwento ay nasa kulungan na si Moira (Pinky Amador) at sobrang pinapahirapan siya roon ng mga kakosa niya na pinangungunahan ni Jackie Lou Blanco, pati si Sue Prado.

Nag-react lang dun siyempre ang alkalde ng Baliwag, Bulacan na si Mayor Ferdie Estrella na ginamit ang kanyang bayan sa ‘di magandang dialogue ng mga karakter ng naturang serye.

Narinig ko rin na madalas din daw nako-call ang attention ng programa ng MTRCB.

Ang isa pang pinupuri namin ay ang Can’t Buy Me Love ng DonBelle lalo na itong la­test episodes nila na nakita na ni Bingo (Donny Pangilinan) ang kanyang inang si Annie (Ina Raymundo).

Napakagaling ni Donny sa eksenang ‘yun, sobrang galing!

Hindi ko madalas napupuri si Belle Mariano, pero sa eksenang kinompronta niya ang Auntie Cindy (Agot Isidro) na ito ang pumatay sa kanyang ina! Ang bongga doon ni Belle at ang ganda ng pagdirek sa eksenang ‘yun. Madrama, pero totoong-totoo, hindi pang-teleserye ang dating.

Maganda talaga kapag pinag-aaralan ng mga writer at director ang mga soap na ipinapalabas nila, kung paano ibahin ang atake sa mga highlight na eksena na hindi predictable at pang-soap ang dating.

Kaya gusto kong palakpakan ang mga dalawang teleseryeng ito na sana mas humaba pa at patuloy na tangkilikin ng mga mano­nood.

Show comments