Isang taon nang magkasintahan si Karina Bautista at ang captain ng Philippine men’s hockey team na si Manny Billones.
Naging coach din ng dating Pinoy Big Brother housemate ang binata noon kaya nagkakilala ang dalawa. “Siya ang coach kasi ng national team, siya ang captain. So ‘yung women’s team siya ang nagte-train sa amin before that time. Tapos nagwa-warm up kami. So noong nagha-hockey ako, doon ko na siya nakilala sa ice rink,” nakangiting kwento ni Karina sa Magandang Buhay.
Nakaranas ng pambaba-bash ang magkasintahan mula sa netizens dahil sa pangalan ni Manny.
Nakatanggap si Karina ng mga negatibong komento na may kinalaman sa pera. “Feeling po nila I am after Manny’s wealth sa comments because his name is Manny Billones. May nagko-comment na I am after his money and I am after whoever is richer than him pero naman I always remind him naman and alam naman niya ‘yon na hindi totoo. And even na gano’n ‘yung mabasa mo sa comments, huwag mong iisiping totoo. Huwag na huwag kang makikinig at saka magre-react na rin kapag alam mong hindi naman totoo,” paglalahad ng dalaga.
Bianca, kumukuha ng tips kay Robi
Kagabi ay nagsimula na ang The Voice Teens Season 3. Sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo ang hosts ng naturang programa.
Sa tagal nang magkatrabaho ay parang nakababatang kapatid na umano ang turing ni Bianca kay Robi. “Ang tagal na naming magkatrabaho. More than 10 years magkasama kami sa PBB (Pinoy Big Brother) and technically ako nga ‘yung ate doon. So bilang ako ‘yung nauna, feeling ko parang little brothers and sisters ko. Nakakatuwa kasi all our lives ganoon ‘yung dynamic namin. Kasi parang ako ‘yung ate, siya magtatanong sa akin pero kaya ako tuwang-tuwa noong nakuha ko ‘yung hosting role dito sa The Voice. Kasi sa kanya naman ako tumitingin for tips para dito sa show,” pagbabahagi ni Bianca.
Ayon sa TV host ay marami pa rin siyang natututunan sa The Voice at talagang nag-i-enjoy siya sa programa. “Sa totoo lang parang natutututo pa rin ako every day on set, parang ano bang pwedeng gawin dito, paano ba dapat mag-react especially ‘yung walang coach na umiikot. Sobra kong na-enjoy ‘yung buong proseso (ng auditions),” dagdag niya.
Bukod sa magagandang kwento ng buhay ng contestants ay talagang maipagmamalaki raw ni Bianca ang talento ng mga sumali ngayong season. “Ngayon alam na ng mga teens kasi lahat ng piyesa, one after the other, mix, my ballad, may mas rock, may mas simple lang. Kumbaga, lumalawak na ‘yung taste din sa music hindi lang ng teens pati ‘yung sa manonood,” paliwanag ng TV host. — Reports from JCC