^

PSN Showbiz

Ryan, may ipatitikim na authentic Korean dishes

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ryan, may ipatitikim na authentic Korean dishes
Ryan Bang

Kamakailan ay binuksan na sa publiko ang Paldo restaurant na pag-aari ni Ryan Bang.

Ayon sa It’s Showtime host ay hindi na kinakailangang pumunta sa Korea upang makatikim ng mga authentic Korean food dahil sa kanyang bagong negosyo. “Paldo means eight provinces. You can taste here in Paldo the eight different kinds of provinces sa Korea. Pwede kayo mag-try ng Korean province tradition here in Paldo lalo na sa Quezon City,” nakangiting pahayag ni Ryan.

Naisipan umanong magkaroon ng isang casual fine dining restaurant ng binata para sa mga kababayan nating nahihilig ngayon sa pagkain ng unlimited meat. “It’s our own concept in the Philippines. Wala namang Paldo sa Korea. It’s our original brand starting here sa Philippines. Nalulungkot ako kasi karamihan lalo na mga kababayan nating Pilipino, kapag sinabi nilang Korean food, ang alam nila unlimited samgyupsal. ‘Yon ‘yung karamihang alam nila na Korean food tungkol sa Korea eh. Dito sa Paldo talagang you can experience Korea kahit hindi kayo pumunta sa Korea. Gusto ko talaga ma-experience ng mga Pilipino ‘yung authentic Korean traditional food kaya ako nagtayo nito,” giit niya.

Ayon kay Ryan ay hindi rin kamahalan ang presyo ng mga pagkain sa kanyang bagong restaurant. Sinisiguro ng binata na healthy rin ang kanilang mga inihahain sa Paldo. “Akala nila kapag fine dining sobrang mahal. P700 sobrang affordable. Tapos sa traditional food set usually kapag fine dining nasa apat na libo, limang libo. Ang ginawa namin, less than P2,000. Mayroon din kami sa lunch na madali lang orderin na P500,” pagdedetalye ng It’s Showtime host.

Maureen at JK, nagkakamustahan sa mga pusa

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumabak na sa pag-arte sa harap ng kamera si Maureen Wroblewitz. Nagbida ang model-beauty queen sa pelikulang Take Me to Banaue kasama si Brandon Melo. Napapanood na ito ngayon sa www.takemetobanauefilm.com. Aminado si Maureen na talagang kinabahan siya sa pagiging isang aktres. “I’m really ner­vous about it because the audience has been different when we’re doing our screening in the US. And also my family and friends, so it’s kind of scary for me,” bungad ni Maureen.

Kasalukuyang nasa Amerika ngayon ang dalaga. Umuuwi lamang ng Pilipinas si Maureen kapag mayroong trabahong gagawin sa bansa.

Samantala, matatandaang nagkahiwalay sina Maureen at JK Labajo noong 2022. Hindi rin umano nanumbalik ang pagiging magkaibigan ng dating magkasintahan ayon kay Maureen. “Maybe one day, but I think we’re kind of like trying to find ourselves separately. And so he’s been doing really great with his music, and he’s going back to acting. And I moved to L.A. (California) which has been my plan for a very long time. So, we’re doing really well individually. Of course, we have cats together, so he just checks up on my cat, and I check up on his cats,” pagtatapat ng baguhang aktres. Reports from JCC

RYAN BANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with